(Sia) "Sia, yung pangalan mo! Yung pangalan mo nandiyan! Kasali ka sa mga nakasama sa dean's list ngayong semester!" natutuwang bulalas ni Myra nang makita ang pangalan ko sa screen sa labas ng building ng department namin bilang isa sa mga dean's listers ng first semester. Tuwang-tuwa din ako. Thank God, ang bait mo po talaga! "Walang duda, ang galing mo talaga kaya alam kong makakapasok ka, Sia!" Nagagalak na nginitian ko si Myra. "Hanapin naman natin pangalan mo, Myr." Masiglang tumango siya. "Sige!" "Zamora... Zamora..." inisa-isa namin ang mga nasa letter Z para mahanap ang apelyido ni Myra Zamora. Zabate, Zagricia, Zamido, Zarsoza, Zomillior, Tiningnan ko si Myra sa tabi ko at nakita kong gumuhit ang lungkot at disappointment sa mga mata niya nang hindi nakasali ang panga