Ramdam ko ang takot at galit sa boses ni lambert.
"Isang araw galing sa manggahan narinig ko ang pag-sigaw ni sierra galing sa kuwarto ni Savannah"
Pagsisimula niya sa mga sasabihin niya.
"Dali-dali ako umakyat sa itaas nakita ko sila ni Sierra. Sa banyo ni Savannah"
"Nakita ko si Savannah na yakap ni sierra habang walang malay at may dugong umaagos sa pulsuhan nito"
Pagpa-patuloy ng sinasabi niya sa akin.
Nagugulat ako sa mga naririnig ko ano ang kinalaman ni kuya sa mga nang-yayari kay Savannah na kapatid niya?
Kitang Kita ko sa mata niya ang pagka-suklam
Bigla niya ako kinabig para mapapunta ang mukha ko sa leeg niya
sabay halik sa ulo ko.
"Ayoko makita mo sa mga mata ko ang galit. habang sinasabi ko sa'yo ang lahat"
Sabi niya sa akin at nagpatuloy na Siya sa mga gusto ko pa na malaman.
"Agad namin itinakbo sa malapit na Ospital si Savannah. agad naman siya nailigtas ng mga doctor"
"Pero ang labis na ikinagulat ko ang mga sumunod na sinabi ng doctor. buntis daw ang kapatid ko!"
Narinig ko ang pag tunugan ng mga ngipin niya dahil ang baba niya ay nasa taas ng ulo ko.
"Dahil walang malay si Savannah kay sierra ko nalaman ang lahat"
"Bago daw maganap na mag laslas si Savannah. Narinig pa daw niya ito na nag-sisigaw na galit na galit habang binabaggit ang pangalan ni Rafael!"
Unti-unti ako naliliwanagan kung ano ang ibig niyang sabihin.
Hindi ko alam Kung ano magiging reaksyon ko hindi ko alam kung totoo lahat ng naririnig ko mula sa kanya.
Paanong nagawa ni kuya ito? mabait ang kuya ko responsable na tao siya. hindi niya magagawa ang ganitong bagay.
Iyon ang isinisigaw ng isip ko.
Humigpit ang pagka-kayakap niya sa akin. Nang maramdaman niya na lumayo ang katawan ko sa kanya.
"Kailan lang din nakatanggap ako ng tawag galing Canada kila mommy"
" Nagtangka daw ulit Magpa-kamatay si Savannah at sa pagkakataon na ito nadamay na ang dinadala niya"
Parang bigla na may kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya.
"Nailigtas nila ang buhay ni savannah pero hindi nila nailigtas ang batang dinadala ng kapatid ko!"
Tumulo ang luha ko sa narinig ko, naawa ako para Kay savannah at sa bata na dinadala niya.
Dahil kung si kuya nga talaga ang ama ng bata pamangkin ko na din siya.
Napahikbi ako dahil umiiyak na pala ako ko dahil sa mga sinabi niya.
Inangat ng palad niya ang mukha ko nakita niya ang mga luhang nagla-landas sa mga mata ko.
Pinunasan niya ang mga ito gamit ang palad niya.
Lalo ako naiyak sa ginawa niya.
Ang nasa isip ko dapat magalit siya sa akin.
Dahil kapatid ako ng lalaking muntik ng maging dahilan ng pag-kawala ng kapatid niya.
"Don't cry darling it's not your fault"
Panay halik niya sa noo ko habang sinasabi iyon.
Hindi ko siya sinagot sumiksik na lang ako sa dibdib niya para hindi niya makita ang pag-iyak ko.
Hindi ko magawang magalit kay kuya dahil lubos na kilala ko ang kapatid ko.
Nakatulog ako ng ganuon ang posisyon namin.
Pagmulat muli ng aking mata wala na sa tabi ko si Lambert.
Tinignan ko ang itsura ko pinalitan na naman pala niya ulit ako ng kasuotan.
T-shirt at boxer short niya ulit ang suot ko.
Hindi ko pa magawang tumayo mula sa pagka-kahiga.
Iniisip ko pa din ang lahat ng nalaman ko kagabi.
hindi pa ako makapag isip ng maayos,
kailangan makausap ko si kuya Rafael.
Gusto ko malaman ang lahat sa kanya.
Napilitan na din ako tumayo dahil naramdaman ko na ang pag-hapdi ng sikmura ko,).
Hindi na naman ako nakapag hapunan kagabi.
Pagka-galing ko ng banyo binuksan ko ang damitan ni Lambert.
Dahil wala ako mga maong na short.
Boxer short ulit at t-shirt ni Lambert ang sinuot ko.
Bumaba na ako at tumuloy sa kusina.
Si Anna ang naabutan ko na nasa harap ng lababo,.
Saglit lang niya ako tinignan at umiwas na ng tingin.
Pumasok si Manang na agad ko naman Siya na binati.
Nakonsensya kasi ako dahil pati siya Nadamay sa init nang ulo ko kagabi.
"Magandang umaga po Manang"
Ngumiti naman siya sa akin.
"Kakain ka naba iha' o hihintayin mo si Lambert?"
Tanong niya sa akin,
"hindi pa po ba kumakain si Lambert?"
Tanong ko kay Manang.
"Nakuu!! parang hindi ka naman nasanay sa kanya' hinihintay ka talaga niya para makasabay ka ng pagkain sa umaga"
Naka-ngiti na sabi sa akin ni Manang.
Nakaramdam naman ako ng kasiyahan sa sinabi niya. pero may lungkot pa din akong nararamdaman dahil sa mga nalaman ko.
"Anna dalhin muna ang mga iyan at para makapunta na dito si Lambert"
Hindi siya sinagot ni Anna kinuha lang nito ang maraming Plastic at lumabas sa likod bahay na hindi kami tinignan.
Paglabas ni Anna naisipan ko tanungin si Manang,
"Manang alam po ba ninyo ang nangyari kay Savannah?
Hindi siya nagulat sa tanong ko,
Umupo siya sa tabi ko,
"Kay Savannah ba? Oo iha' lahat ng nangyayari sa kambal ay alam ko. dahil ako ang personal na yaya ng dalawa na iyon"
"Ano po ang alam ninyo kung bakit nangyari iyon kay Savannah?"
Tanong ko sa kanya. tumingin siya sa akin.
"Hindi ko alam kung hanggang Saan ang nalalaman mo iha'"
Sagot niya sa akin,
"Wala kaming alam na boyfriend si Savannah. kaya labis ang pagtataka namin kung paanong buntis siya at parang ba na gusto niyang mawala ang bata na dinadala niya"
Napapikit ako sa narinig ko, bakit parang ako ang higit na nasasaktan para kay kuya,
Dahil kung si kuya nga ang ama ng bata na iyon. alam ko mamahalin ni kuya ang bata.
"Labis na kinagalit ni Lambert iyon iha' hindi rin niya sinasabi sa amin pero ramdam namin na alam niya kung sino ang ama ng bata"
Patuloy na kuwento ni Manang,
"Dahil minsan narinig ko na nag-uusap sila ni Ashlem Gagawin daw niya ang lahat makaganti lang duon sa lalaki na iyon"
Parang may tumarak na punyal sa dibdib ko,
"Kung ano daw ang naranasan ni Savannah ipaparanas din daw niya ito sa kapatid ng lalaki na iyon"
Gusto ko tumakbo palayo sa mga naririnig ko mula kay Manang.
"hindi ko alam kung ano ibig nilang sabihin pero naaawa din ako para duon sa lalaking tinutukoy nila. dahil labis talaga ang galit ni Lambert"
Hindi ko na napigilan ang mapaluha bakit nang-yayari ito?
Bakit kailangan pa na si kuya ang maging dahilan ng lahat ng ito?
Maraming bakit na gusto kong masagot.
Kuya nasaan kana? umuwi kana kunin muna ako.
Iyon ang pumasok sa isip ko habang patuloy na lumuluha ang mata ko..