Annoying

1136 Words
Inulit ko ang pag tawag sa kanya. Darling..? "Hmm.. bakit? Sagot niya sa akin sabay halik sa noo ko. Hindi ko alam kung itutuloy ko ang pagta-tanong dahil ang ganda ng moment na ito para sa akin. Pero buo talaga ang loob ko. "Puwede ko ba malaman kung kanino nag-kasala si kuya?' " kasi diba sabi mo hindi naman siya sa iyo nagkasala?" Naramdaman ko na parang nanigas ang mga muscle niya sa katawan. Naramdaman ko na nagalit siya sa tanong ko, "Hindi muna dapat alamin iyon hihintayin ko siya na makabalik!" Dahil sa sinabi niya. nakaramdam ako ng pagka-inis. Paanong hindi ko dapat alamin kapatid ko ang pinag uusapan. Dahilan din para mabilis ako tumayo sa tabi niya. Kinuha ko ang lahat ng mga suot ko kanina na hinubad ko at pagalit na sinuot ko ulit sa akin. Hindi ko siya tinitignan habang nagbibihis ako. "Umuwi na tayo!" Pagalit kong sabi sa kanya. Paglingon ko sa kanya. nakabihis na din pala siya. Niligpit na niya ang lahat ng gamit sa lapag na hindi ko siya tinutulungan. Akma niya na hahawakan ang kamay ko para akayin palabas ng batis na agad ko naman siya na tinalikuran at nag-lakad mag-isa palabas ng gubat. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. "Darling...?" Hindi ko talaga siya nilingon tuloy tuloy ako sa paglalakad. alam ko naman na nakasunod lang siya sa akin. Kabisado ko na din naman ang palabas ng batis kaya mag-isa ako na nakalabas dito ng hindi siya kasabay. Pagdating sa bungad nakita ko ang kabayo niya na naghihintay sa amin. Tinitignan pa din niya ako hanggang sa marating namin ang bungad ng gubat. pero hindi ko talaga siya pinapansin. Nakita ko na tinali niya ang bag sa gilid ng kabayo. Habang ginagawa niya iyon kusa ako sumampa sa kabayo. Buti na lang nagawa ko na sumampa na hindi ako nahulog o tumakbo man lang palayo ang kabayo. Nakita ko na sumapa na din siya. Yumakap na ang dalawa niyang braso sa bewang ko para mapalakad na palayo ang kabayo. Alam ko na ramdaman niya na naiinis ako. Naririnig ko pa ang panay na malalim na buntong hininga niya. Pagdating sa tapat ng bahay agad siyang bumaba ng kabayo at agad ako na hinawakan sa bewang para ibaba. Pagkababa niya sa akin. agad ko din siyang tinalikuran para mauna na pumasok sa loob ng bahay. Nakasalubong ko naman si Manang sa sala. "Ohh stella nasaan si Lambert?" Tanong ni Manang pero hindi ko din ito pinansin dahil nga sa naiinis ako. Nilagpasan ko lang siya. napansin ko na Napasunod ang tingin niya sa akin. Pagka-akyat ko sa hagdan si anna naman ang nakita ko galing sa kuwarto ni Lambert. Nang una nagulat siya pero agad din siya na nakabawi at tinignan na naman ako ng mata niyang nakakainis. Huminto ako sa harapan niya dahilan iyon para mapahinto din Siya. "Lagi ka bang pumapasok sa loob ng kuwarto ni Lambert'?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya nagulat sa tanong ko. "Opo kasi katulong ako dito. kaya Kasama sa kuwarto na iyan ang lagi ko na nililinis," Sagot niya sa akin na parang nang iinis. Pero dahil nga sa naiinis ako kay lambert lahat tuloy sila nadamay. "Kasama din ba sa mga gamit ko tulad ng phone ko at mga short ko ang dapat mo na linisin?" Naiinis ko na tanong ko sa kanya. Nagulat siya sa tanong ko. hindi niya ako matignan sa mata. "Hindi ko alam ang sinasabi mo" Sagot niya sa akin na hindi pa din ako matignan dahil pilit niya na iniiwas sa akin ang mata niya. "Mula ngayon ayoko ng papasok ka sa kuwarto ni Lambert!" Pagta-taray na sabi ko sa kanya. nakita ko ang labis na pagkagulat na may kasama na hinanakit sa kanyang mga mata. Pero palaban siya dahil kahit nung una pa man iyon na ang nakikita ko sa kanya. "Sino kaba para utusan ako?" Pang-iinis iinis na sagot niya sa akin. "Isa lang ang sinusunod ko dito. at si lambert iyon!" Taas noo na sabi niya sa akin. Ang labis pa na kinainis ko tinawag lang niya na lambert ito at walang señorito, "May gusto kaba kay lambert?" Bigla ko naitanong sa kanya. Parang hindi siya nagulat sa tanong ko. 'Kung sabihin ko sa iyo na OO!?" Ako naman ang nagulat sa sagot niya sa akin. hindi ko alam kung paano ko ito tatanggapin. "At Ikaw saan ba kasi na lupalop ka pinulot ni Lambert? at dinala dito na akala mo kung sinong linta! na lagi na lang nakakapit kay Lambert na nag-susuot ng mga maiikling short para makapang akit ng lalaki!" Dahil sa mga sinabi niya. umahon ang galit sa dibdib ko. kaya nasampal ko siya ng malakas at sakto naman na nakaakyat na si Lambert sa pinakataas na hagdanan. Kaya nakita niya ang ginawa ko. "Darling?" Sigaw niya sa akin. nakita ko din ang bigla na pagbago ng mukha ni anna na kanina ay matapang. ngayon ay parang aping-api na umiiyak at tumakbo sa tabi ni lambert. "Why did you do that?" Tanong niya sa akin na labis na nag-tataka. Tinignan ko lang sila ni anna ng masama at tinalikuran na. Bag ako tuluyan na makapasok sa kuwarto binalibag ko muna pasara ang pintuan. Nahiga ako sa kama ng padapa na masamang -masama ang loob ko. Saglit lang narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Naramdaman ko na tumabi sa akin si lmabert higaan. Dahil nakadapa ako tinagilid niya ako paharap sa kanya. Nakapikit ako hindi ko siya tinitignan. "Darling open your eyes!" Utos niya sa akin, pero matigas talaga ang ulo ko kaya hindi ko siya sinunod, Naramdaman ko na hinalikan niya ako sa noo. "Nag sorry si Anna nagalit ka lang daw kasi nakita mo daw siya na lumabas ng kuwarto natin" Pag uumpisa niya. pinakikinggan ko lang ang sinasabi niya. Siya ulit.. "Akala mo daw kasi siya ang sumira ng phone mo at mga short mo" Dahil sa huling sinabi niya napadilat ako, Nakasa-lubong ng mata ko ang mata niya na nakabakas ang pagka-lumbay. "Naniwala ka naman?" Pagalit na sagot ko sa kanya. "Wala ako sinabi na naniniwala ako" Sagot niya sa mahinang boses. "Kung ano ang sasabihin mo iyon ang paniniwalaan ko" Naglaho ng bahagya ang inis ko dahil sa sinabi niya. Nakipag-titigan pa din siya sa akin. "Kanina habang hindi mo ako pinapansin parang naninikip ang dibdib ko" Siya ulit. Hinalikan niya ako sa ilong pababa sa labi ko. "Makinig ka sa akin stella kung ano man ang sasabihin ko sa iyo ngayon. huwag mo sanang iisipin na ginagamit lang kita para makapag-higanti sa kuya mo" Hinaplos niya ang ilong ko pababa hanggang sa labi ko. "Dahil kahit kailan hindi ko magagawa sa iyo iyon" "Alam ko na darating ang araw na kukunin ka dito ni Rafael' At iyon ang ayoko mangyari stella...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD