Naipatong ko ang ulo ko sa balikat ni Lambert. Pero alam ko ang ginagawa ko,
Napatingin siya sa akin.
"Are you ok?"
Tanong niya sa akin habang hinawi niya ang buhok ko na tumabing na sa mukha ko,
Tumango lang ako sa kanya dahil hilong-hilo na talaga ako.
"Tatang mauna na po kami ni stella kailangan na po niya mag pahinga"
"Ganoon ba o' sige iho''
Narinig ko na Sagot ni Tatang sa kanya.
Inalalayan ako tumayo ni Lambert,
Kaya ko naman tumayo pero para ba nagiging dalawa ang Paningin ko.
Napansin niya na hindi ko kaya ang mag-lakad ng tuwid at napansin din ni tatang iyon.
"Iho' gusto ba ninyo ipahatid ko na kayo"
"Rex iho'...
Hindi pa natapos magsalita si tatang agad naman sumagot si lambert
"Salamat na lang po tatang"
Narinig ko na pagtangi ni Lambert,
inayos niya ang pagkaka upo ko sa banko at tumalikod siya paluhod sa likod ko,
Siya na mismo ang naglagay ng kamay ko sa balikat niya'
Para kumapit at tsaka niya ako binuhat para maipasan,
wala na ako pakaialam kung nanduon sila sitas dahil iba talaga ang pakiramdam ko.
Alam ko na nakasunod ang mga mata nila sa amin ni Lambert habang lumalakad palayo.
Hindi naman kalayuan ang lalakarin ni Lambert kaya alam ko na hindi naman siya mahihirapan.
Sa laki ba naman ng katawan niya wala nga imposible ang lahat sa kanya e. sabi ko isip ko.
Dahil sa kalasingan at hilo ko.
Bagsak ang pisngi ko sa balikat niya.
Dahil nakainom rin ako malakas ang loob ko na tanungin siya.
"Lambert..."
Hindi siya sumagot nilingon lang niya ako kaya nagdikit ang pisngi namin.
"Ano ba nagawa ni kuya sayo?"
Hindi parin siya sumagot
Dahil naka pasan ako sa kanya hindi ko makita ang reaksyon ng mukha niya.
"hindi siya sa akin nag kasala"
Nagulat ako sa sagot niya'
Kung hindi sa kanya kanino? tanong ng isip ko.
"Wala ka kinalaman sa ginawa niya"
"Kanino siya nagkasala?"
Tanong ko ulit sa kanya,
"Hindi ko pa masasabi sa'yo pero malalaman mo din iyon sa tamang panahon stella"
Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin.
"lambert..
Tawag ko ulit sa kanya.
"Paano pag dumating si kuya at kunin niya ako dito?"
Hindi ko alam kung bakit naitanong ko sa kanya iyon.
"what do you mean?"
Balik na tanong niya',
"Paano kung kunin niya' ako?"
Natahimik siya sa tanong ko,
"Sasama kaba sa kanya?"
Ako naman ang natahimik sa tanong niya sasama nga ba ako kay kuya?"
Tanong ko sa sarili ko.
"Hindi kita ibibigay sa kanya! kahit na anong mangyari!'
Narinig ko na sabi niya.
Saglit din ako natahimik sa sinabi niya.
"ibaba mo na ako. kaya ko na siguro maglakad"
Sabi ko sa kanya,
Baka kasi nanga-ngalay na siya pero ang totoo nahihilo pa din ako.
" Diyan ka lang!"
"lambert...
"Hmmm bakit?"
"Bakit ang laki ng katawan mo?"
Tanong ko sa kanya. kung ano ano na tinatanong ko dulot na yata ito ng ininom ko.
Naririnig ko ang mahinang pagtawa niya.,
"Bakit ayaw mo ba ang katawan ko?"
"Hindi naman sa ganon. lalo ka nga gumwapo dahil sa katawan mo e!"
"Lasing ka nga"
Sagot lang niya sa akin. pero gusto ko maniwala siya.
"Totoo nga ng una ka na masilayan ng aking mga mata natu.." Napaka Antipatiko mo!!"
Sabi ko na lang. Pero ang sasabihin ko talaga sa kanya natulala ako sa ganda ng katawan niya.
"Darling pinupuri mo ba ako o nilalait?"
Sagot niya sa akin pero alam ko hindi siya naiinis.
Napalakas ang tawa ko..
"Bilisan mo na nga darling baka nangangawit kana!"
Sagot ko sa kanya pero bigla siya na napahinto.
Tinignan ko ang mukha niya. kaya lang hindi ko talaga Siya lubusan na makita.
Hinalikan ko na lang ang pisngi niya. sabay tanong ko sa kanya.
"Darling bakit?"
Naramdaman ko na humigpit ang dalawang kamay niya' na nakasalo sa hita ko.
"Sana pag hindi ka lasing marinig ko ulit yan!"
Sasagot sana ako.Pero nakarating na kami sa pintuan ng bahay. may nahagip din ako sa dulo na bahagi ng bahay malapit sa puno na nakatayo.
Dahil madilim at dahil na din siguro sa sitwasyon ko. kaya hindi ko siya napag masdan ng maiigi.
Pagdating sa loob pilit ako nagpababa sa kanya dahil baka mahirapan siya dahil aakyat kami sa hagdan,
Pero hindi pa din siya pumayag,l.
Pagpasok sa kuwarto dahan dahan niya ako binaba sa kama.
Saglit din siya na nawala
Pero pagbalik niya naramdaman ko na hinubad niya ang damit at bra ko.
Naramdaman ko din na may sinuot siya sa akin na damit.
Sinunod niya ang short ko at pinalitan din ito.
Saglit ulit siyang nawala naramdaman ko na lang na tumabi na siya sa akin para mahiga na din Siya.
Inayos niya din ang pagka-kahiga ko tinagild niya ako na lagi niya na ginagawa.
iminulat ko ang aking mata. pantay na pala ang mukha namin mula sa pagka-kahiga na nakatagilid.
Nginitian ko siya kaya lang hindi naman niya ako nginitian.
Hindi ko alam kung epekto parin ito ng pag kakainom ko.
Kusaa ko siya na hinalikan nang una parang nagulat pa Siya.
Pero kusa na din siya na tumugon, ang lalim na ng halik namin nang hiniwalay niya labi niya sa labi ko.
"Masaya ako kasi kusa mong ginawa ito pero lubos ang kaligayahan ko kung gagawin mo ito ng hindi ka nakainom"
Hinalikan niya ako sa noo ko at niyakap ng mahigpit.
Pero makulit talaga ako.
"Darling...
Hindi na naman siya sumagot
Pero nagsalita pa din ako.
"darling diba sabi mo tuturuan mo ako kumain ng talong?"
Bigla ulit siya na napatingin sa mukha ko.
"gusto mo ba?"
"Ano ba kasi lasa nun?"
Tanong ko ulit sa kanya,
"Masarap siya darling"
Napipikit na ang mata ko pero patuloy pa din ako sa pagsasalita.
"para kasi ang labsa e'
Narinig ko na natawa siya.
Iba pala talaga pag nakainom,
Ako ulit.
"Darling.. pangit ba ang legs ko?
Hindi ko alam kung nakikinig pa rin siya.
"bakit ayaw mo ako nakashort?"
"ikaw nga lagi ka walang damit pero gusto ko lagi nakikita ang katawan mo e"
"Alam mo ba kanina habang kumakanta ka ang dami ko na nasagot sa mga katanungan ko"
"Sorry kung nagawa man na humanga ng aking mata sa ibang tao"
Naramdaman ko na humigpit ang yakap niya sa akin.
"Pero tinuruan naman ito ng puso ko pabalik sa tamang tao"
Huling binigkas nang labi ko. Bago ako tuluyan na dalawin ng antok.
Pero narinig ko pa ang huli na sagot niya sa akin
"It's ok darling' as long as I'm the only one you'll admire and love in the end..
I love you..
sabay halik niya sa noo ko..