Nagising na naman ako na wala na si lambert sa tabi ko.
Sigurado nasa manggahan na Siya dahil umpisa na ulit ang araw ng gawain duon,
Napatingin ako sa suot ko boxer short at t-shirt niya ang suot ko
Naalala ko bigla kagabi nga pala binihisan nga pala niya ako. kinapa ko ang dibdib ko wala din ako suot na bra.
Nakakahiya sa isip ko. Pero naisip ko din wala na din naman ako itatago sa kanya dahil ilang beses na may nangyari na sa amin.
Tumayo ako para mag banyo na.
Pag kaligo nakatapis lang ako lumabas para kumuha ng susuotin ko.
Naalala ko wala pala ako susuotin na short dahil kahapon iisa na lang iyon.
Pagbukas ko ng aparador napangiti ako malinis na pala lahat ng short at mga t-shirt ko.
Nalabhan na pala ni Manang at naiayos na dito sa loob ng aparador.
Kumuha ako ng panloob' t-shirt at maong short ko.
Inuna ko ang panty ko at isusunod ko Sana ang maong short ko ng may mapansin ako.
Sira ang short ko. kumuha ulit ako sa aparador.
Nagsa-lubong ang kilay ko ganuon din sira pa din
Lahat ng maong short ko nilabas ko na at lahat sila sira lahat!
Sa itsura ng mga short halatang sinadya sirain.
Nag-init ang ulo ko sa nakita ko'/
hindi ko na naisip na nakatapis lang ako ng tuwalya at kinuha ang lahat ng maong short at inis na inis na lumabas ng kuwarto at bumaba.
Habang pababa ako sa hagdan.hindi ko napansin na may tao sa pinto.
Makikita mo kasi ang pinto sa itaas pa lang ng hagdan.
Nakita ko na natulala ang tatlong lalaki sa pintuan na napatingin sa akin.
Dahil din sa inis ko hindi ko napansin na si lambert ang kausap nila at nakatalikod ito sa akin.
Napansin siguro ni lambert ang pagkagulat ng tatlo na lalaki na kausap niya..
Kaya napalingon din siya sa akin.
Nanlaki ang mata niya sa nakita niya.
"What the hell!!"
Nakita ko ang galit at gulat sa mata niya'
Kaya ang tatlo na lalaki naitulak niya ng sabay-sabay palabas ng pintuan sabay Sara niya pabalibag sa pinto.
Bago niya ito naisara nakita ko pa ang itsura ng tatlong lalaki sabay-sabay din ito gumulong sa tatlong hagdan sa labas ng pintuan.
Pero hindi siya ang pakay ko. nilagpasan ko siya na nanliliit ang mata sa galit.
Nagpunta ako ng kusina nadatnan ko si Manang na nag-aayos ng pagkain sa mesa.
Naramdaman ko na sumunod sa akin si Lambert at hinawakan ang siko ko.
Pero bago pa niya ako sitahin nagtanong na ako kay manang.
"Manang sino po ang naglagay ng mga damit at short ko sa aparador?"
Napatingin sa akin si manang. Nakita niya na hawak ko ang lahat ng mga short ko at ibinaba ko ito sa lamesa.
Naramdaman ko din na unti unti lumuwag ang pagkahawak ni Lambert sa siko ko.
"Ako iha' bakit may problema ba? maayos ko iyan nilagay kahapon sa aparador kasama ng kay lambert"
Malumanay na sagot ni Manang sa akin.
Pinakita ko sa kanya ang mga short nanlaki din ang mata niya sa itsura ng mga short ko.
Napansin ko din na kinuha ni Lambert ang isa at tinignan niya ito.
"Maayos ang lahat ng ito iha' ng ilagay ko ang mga ito kahapon"
Nakita ko naman sa mata ni Manang na nagsasabi siya ng totoo.
Kaya humarap ako kay lambert,
"Ikaw ba?
tinignan ko siya ng may kasama na pagbabanta dahil ayaw niya ng naka short ako.
"No darling Oo ayaw ko ng naka short ka! pero never ko gagawin na sirain ang mga personal na gamit mo!"
Nakita ko din at naramdaman ko na nagsasabi naman siya ng totoo.
Kaya wala na din ako magagawa.
Dahil nakaharap ako kay lambert naramdaman ko na may pumasok sa kusina na galing sa likod.
Napalingon ako nakasa-lubong ko ang mata ni anna.
Tinignan pa ako mula ulo hangang paa at tumalikod pabalik kung saan siya galing.
Napaisip ako ng malalim.
Malalaman ko din kung sino ang gumawa nito bulong ko sa isip ko.
Kinuha ni lambert ang lahat ng short at binigay kay Manang para ipatapon.
Hinila na ako ni lambert para maupo at kumain,
Siya ang nag lagay ng pagkain ko sa pinggan. dahil ramdam niya na naiinis ako.
"ill just buy your short"
Tinignan ko siya ng nakakainis,
"No thanks' baka sunugin ko lang ulit ang mga bibilhin mo!"
Sagot ko sa kanya dahil naalala ko lang bigla kung anong klase ng short ang bibilhin niya sa akin.
Hindi na lang siya sumagot.
Habang kumakain kinausap ko na siya. Dahil medyo nawala na ang galit ko,
"Bakit nandito ka wala ka sa manggahan?"
Tinignan niya ako at sumagot,
"Hinintay talaga Kita magising. may pupuntahan kasi tayo"
Tumango na lang ako pero napansin ko ang kakaiba niya na tingin sa akin.
"Bakit may dumi ba ako sa mukha?"
Umiling lang siya sa akin malungkot na nagsalita.
"May naaalala kaba kagabi?"
Tanong niya sa akin. hindi ako kumibo pero alam ko kung ano ang ibig niya na sabihin,
" Gusto ko ulit marinig at mangyari ang naganap kagabi"
Hindi ko alam kung alin sa nangyari kagabi ang gusto niya maulit.
Dahil kahit lasing ako lahat naman iyon ay naalala ko.
Pati na din ang pagtatapat ko sa kanya.
Napangiti ako parang biglang naglaho ang lahat ng inis ko kanina,
"Darling..?
Pang aakit na tawag ko sa kanya.
Dahil nakatingin siya sa pinggan niya. bigla siyang napaangat ng tingin sa akin,
Nakita ko ang labis na kasiyahan sa kanya.
Nagulat pa ako sa bilis ng paglapit niya sa tabi ko at bigla din niya ako hinalikan.
Agad ko naman ito na tinugon. iba ang klase ng halik namin ngayon.
Parang buong laya at wala ng marami pa na katanungan.
binuhat niya ako paupo sa lamesa. pinag-patuloy niya ang halik niya na buong puso kong tinanggap.
Bumaba ang labi niya sa leeg ko. dahil nakatapis lang ako naibaba na rin niya ang tuwalya na nakatabing sa hubad na katawan ko.
Pababa na dapat ang labi niya siya sa didbdib ko na meron bigla na nagsalita sabay bagsak sa sahig ang pitsel na may laman na juice.
"Ayy'!!
Sambit ni Manang na natulala sa amin ni Lambert,
Agad naman ako tinakpan ni lambert habang binabalik niya ang tuwalya sa katawan ko,
Namula ang mukha ko sa kahihiyan.
Nakalimutan ko na nasa kusina pala kami.
Binaba ako ni Lambert mula sa mesa at binulungan.
"Magbihis kana bibisitahin natin ang mga kabayo"
Sabay halik niya sa labi ko,
Nahihiya pa din ako na lumabas ng kusina dahil sa nakita ni Manang.
Pagka talikod ko narinig ko pa na nagbilin si Lambert kay Manang na mag babaon kami ng pagkain..