"Nasaan si Savannah?" Tanong ko sa kanya. gusto ko makita at makausap si Savannah para kay Kuya. Kaya lahat gagawin ko Sabihin lang ni anna sa akin kung nasaan ang kapatid ni Lambert. "Ano ako baliw? Sasabihin ko agad sa'yo?.bakit close ba tayo? pinapatawa mo naman ako stella!" Sagot ulit niya sa akin. Bigla ulit may pumasok sa isip ko. Kaya ba nagpu-punta sa kanya si lambert dahil sa alam ni Anna kung nasaan si Savannah? at si Savannah ang ginagamit niya para mapalapit kay lambert? "Kaya ba nagpu-punta sa'yo si lambert dahil alam niya na alam mo kung nasaan si Savannah?" Biglang nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha. mababakas sa kanya ang pagka-irita. "Nagpu-punta siya dito dahil gusto niya ako makita!!!!" Galit na Pagsigaw niya sa akin. "Pero stella gusto mo ba nang magandang la