Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Akala ko sapat na yung nalaman ko kay Manang na hindi niya tunay na anak si Anna. Pero bakit ito sumama kay Manang na mamasukan sa Hacienda? Mayaman naman pala ito ayon sa kuwento ni Sitas. Hindi ko makuha ang sagot sa iniisip ko. kailangan makita mismo ng dalawang mata ko ang sinasabi ni Sitas ang totoong si anna at ang totoong buhay nito. Napag usapan din namin ni Sitas na samahan niya ako kung saan nakita ni totoy si anna na pumasok sa isang bahay. Umuwi muna ako' dahil babalik ako ng hapon sa manggahan para sa usapan namin ni Sitas. Umakyat ako sa kuwarto para makapag pahinga. dahil hindi din ako mapakali sa daming tumatakbo sa isipan ko. Nakahiga ako habang nagkakalikot ng phone ko. Bigla ko nakita ang pangalan ni Kuya sa phone. Kaya naisi