Lumipas ulit ang maghapon na hindi ko nakikita si lambert. gusto ko na magtampo sa kanya dahil sobrang miss na miss ko na siya. Hindi ako kumain ng hapunan dahil gusto ko siyang hintayin. pero alas diyes na ng gabi pero hindi pa din siya dumadating. Dinalhan na ako ni Manang ng pagkain dahil alam niyang hindi pa ako kumakain. Hindi ko padin kinain ang pagkain na inakyat ni Manang. hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa sobrang sama ng loob ko. Nagising ako sa malalim na gabi na may humahaplos sa mukha ko. pagmulat ko ng mata si lambert nakangiti sa akin. Agad ako yumakap sa kanya habang umiiyak na pala ako. dahil siguro sobrang natuwa ako dahil nakita ko siya" "Sorry darling kung nagising kita. bakit umiiyak ka?" Ginantihan din naman niya ako nang mahigpit na yakap. "Ilang araw n