Dalawang araw pa ang lumipas na lagi na lang ganoon ang nang-yayari maiiwan ako sa kwarto habang siya nasa labas para puntahan ang manggahan. Pero lagi naman niya ako naaabutan na kumakain para sa agahan.
Hindi ko siya nakakasabay sa pagkain ng tanghalian at sa gabi. Dahil pagdating sa gabi nagigising na lang ako na nasa tabi ko na siya. At lubos ko pa na kinaiinis ko ang alam ko unan ang natatandaan ko kayakap ko bago ako makatulog.
Pero nagigising ako sa malalim na gabi na sa kanya ako nakayakap. Hindi ko na lang siya ginigising para sitahin. Dahil nakikita ko sa kanya ang payapa na pagtulog. Kaya ginagawa ko na lang kinukuha ko ang unan na nasa kabilang gilid niya at binabalik ko sa akin para muling yakapin
Pero bago ulit ako muling matulog may bigla ako naalala. Ang phone ko nga pala ilang araw ko ng hindi nakikita.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at hinanap ito kung saan ko ito huling nailapag. Pero hindi ko siya makita, Binuksan ko ang maliit na kabinet na nasa tabi nang kama at nakita ko nga ito.
Muli ako nahiga sa kama, binuksan ko ang aking Selpon dalawang araw na kasi itong naka-off.
Pagbukas ko ang ng daming text ni clarissa. Tinatanong ako kung kailan ako makakabalik. Tinignan ko din baka may message si kuya. Umaasa kasi ako na baka kontakin niya ako. Pero wala kahit Isang message man lang mula sa kanya.
Ang iba naman ay tungkol na sa trabaho At ang ibang message ay kay anthony na. Tinatanong din niya kung kailan daw ako makakabalik para daw masundo niya ako.
Hindi na ako nag-abala na sagutin ang mga message na nabasa ko, Dahil hindi ko din alam kung ano ang isasagot ko sa kanila.
Muli ako nakaramdam ng antok. Kaya nilapag ko na lang aking phone sa gilid nang aking kinahihihagaan.
Mas maaga na ako nagising, Tulad parin nang dati wala na si lambert sa aking tabi. Tumayo na ako para maligo.
Gusto ko sana maglibot sa buong hacienda kaya lang baka hindi ako payagan ng Antipatiko na si Lambert.
Pagkaligo ko inayos ko muna ang higaan, Bago sana ako lumabas.
Pero patalikod na sana ako patungo sa pintuan nang mahagip ng aking mata ang isang bagay na sira at basag.
Napabilis ang paglapit ko dito dahil parang phone ko iyon.
Labis ang pagkagulat ko dahil phone ko nga siya at sirang sira talaga siya.
Labis ang pagtataka ko anong nangyari dahil kagabi buo pa ito.
Imposible naman na masira kung madadaganan mula sa pagkakahiga dahil malambot ang kama.
Sa itsura ng pagkakasira sa phone ko parang pinukpok nang matigas na bagay.
Kinuha ko ito at itinago ko na lang ay lumabas na ako nang kwarto at nagtungo na sa kusina.
Naabutan ko si Anna na nag-aayos na ng mga dadalhin sa manggahan.
Tumingin lang siya akin at ngumiti. Gumanti naman ako nang ngiti sa kanya.
"Si Manang?"
Tanong ko sa kanya.
"Nasa likod po si nanay gusto po ninyo tawagin ko?"
Patalikod na sana siya para tawagin niya si Manang pero inawat ko siya.
"Ahmm.. huwag na Anna papunta kaba sa manggahan?"
Tanong ko sa kanya. Na siya naman biglang pasok ni Manang na may dalang mga plastik na hindi ko alam kung ano ang mga laman.
"Gising ka na pala si Stella kumain kana ba iha?
"Anna dalhin muna ang mga ito sa manggahan.
Narinig ko na sinabi niya kay anna.
"Ahh Manang pwede po ba ako sumama kay anna na magdala niyan sa manggahan?"
Nagkatinginan silang dalawa hindi ko alam kung may alam ba sila kung bakit ako nandito.
"Ohh sige iha' pero sandali dalhin muna itong agahan ninyo ni lambert"
Inyos ni Manang ang pagkain na dadalhin ko para sa pagkain namin ni lambert. Muli ko na naman napansin ang mata ni anna na mapanuri.
Tulad ng dati naka short ulit ako ng maong. Maikli na siya ng konti pero mahaba naman ang white t-shirt na suot ko.
Ako na ang nagdala ng pagkain para sa amin ni lambert.
Nagalok ako ng tulong kay anna para kunin ang iba niyang dala pero tumanggi siya.
Habang naglalakad kami kinakausap ko siya. Sasagot lang siya pag may tanong ako na kailangan naman niya na sagutin.
Nakita ko na ang kumpulan ng mga kalalakihan at sa kabilang dulo ay mga kababaihan mga parehas abala sa kanilang mga ginagawa.
Nakita ko kaagad si lambert na masama na naman ang tingin sa akin.
Ganyan ba talaga siya? tanong ko sa sarili ko.
Napasin ko na nagawi ang tingin niya sa aking suot, habang ako naman ay medyo nasisilaw. Dahil sa gawi namin nakatutok ang sinag nang araw kaya hindi ko siya gaano maaninag.
Napansin ko na lang ang paglapit niya dahil kaagad niya kinuha ang dala ko. Habang masama pa rin ang tingin niya sa akin.
"Pagkain mo iyan!"
Sabi ko sa kanya. pero bigla niya ako hinawakan at hinila palayo sa mga tao.
Dinala niya ako sa ilalim ng Isang malaking puno na hindi kalayuan sa mga tao na naguumpisa ng kumain.
Naupo ako pero siya nakapamewang sa harapan ko na parang galit. Nagalit yata siya sa paglabas ko, sa isip isip ko na lang.
"Bakit ganyan ang suot mo?!"
Tanong niya sa akin sa pagalit na boses.
Tinignan ko ang aking sarili. Ayos naman ang suot ko ahh.
"Ano bang masama sa suot ko?!"
Naka short at naka t-shirt naman ako ahh?"
Sagot ko sa kanya.
"Hindi mo ba nakikita na masyado manipis iyang t-shirt na suot mo? at iyang short mo naman labas na yang hita mo!"
"Paanong manipis?! At paanong maikli?" Maikili paba sa'yo itong short ko? At konti lang naman ang nakalabas sa legs ko ah! At bakit ba pinoproblema mo ang suot ko Mr.!!
Naiinis kong tanong sa kanya.
Nakatingala pa din ako sa kanya.Kaya nakikita ko sa kanyang mukha ang pinipigilan na pagkainis sa mga sinabi ko.
"Hindi mo ba alam? Kanina habang naglalakad ka! kitang kita iyang kulay nang bra mo!"
Nagulat at napaisip ako sa sinabi niya. Naupo na din siya sa harapan ko dahil napansin niya ang bigla ko na pagtahimik.
"Gusto mo ba na hulaan ko kung anong kulay ang suot mo na bra?? Kulay pula!!"
Nang-iinis na sabi niya sa akin. Kaya sa sobrang inis ko sinampal ko siya na kinagulat ko din naman.
Dahil sa ginawa ko pabigla niya ako na hinalikan. Dahilan para mapasandal ako sa malaking puno. Pero agad din naman na humarang ang kamay niya sa ulo ko para hindi ako mauntog.
Sa unang reaksyon ko hindi ako nakakilos , Mapilit ang halik na pinararanas niya dahil pilit na binubuksan nang kanyang dila ang labi ko.
Dahil pa din sa pagkatulala ko nagawa niya na maipasok ang dila niya sa loob nang labi ko. Dahilan para maging mapaghanap ang labi niya.
Hindi ko alam pero tinugon ko din naman ang halik niya. dahilan din naman para lalo niyang pag igihan ang paglasap sa labi ko.
Hindi ko alam na napapa ungol na pala ako, Kay para pa akong nadismaya nang huminto siya habang nakangiti na napatingin pa sa labi ko.
"Mapanakit ka talaga!"
Sabi lang niya sa akin. Ako naman hindi pa din makakilos dahil nakakaamdam na ako nang hiya. Dahil Bakit parang nagugustuhan ko na ang halik niya?
Tumabi na siya sa akin at hinubad niya ang kanyang T-shirt at pinatong sa hita ko. Siya na din ang naglabas ng mga pagkain na dala ko.
Tahimik kaming kumakain, Habang Parehas ulit kaming nagkamay.
Konti lang ang nakain ko, Dahil parang hindi pa din ako nagigising sa nangyari kanina. Halos siya na din ang nakaubos ng pagkain.
Nakita ko na kinuha niya ang malaking lagayan ng tubig na dala ko. At naghugas siya nang kanyang kamay.
Nagulat pa ako dahil kinuha din niya ang kamay ko na ginamit ko sa pagkain kanina. Siya din ang naghugas habang may sinasabi siya sa akin.
"Kung ikaw ay pupunta dito. Ayoko ng ganyan ang suot mo"
"Baka makapanakit lang ako sa mga matang humahanga diyan!"
Hindi na ako kumibo. Baka may masabi na naman ako na ikagalit niya at ikainis niya. Para maging dahilan na saktan ko na naman siya.
Nagpaalam siya na babalik siya sa mga tao at dito lang daw ako. Sinabi din niya na kung gusto ko daw ay sabay na kami bumalik sa bahay.
Sinundan ko siya nang tingin habang palayo siya sa akin. Bakit unti-unti nawawala ang inis ko sa kanya?
Bakit unti-unti nakikilala ko ang totoong siya.
Muling umikot ang Paningin ko sa buong paligid sa hacienda kung saan ako nakaupo habang nakasandal sa malaking puno.
Ang lawak at ang sarap ng hangin.Pero muli ako nakaramdam nang kalungkutan ng maalala ko si kuya.
'Nasaan ka ba kuya?"
Tanong nang isip ko habang unti-unti ako dinalaw nang antok, Dahililan na din siguro ang masarap na hangin na tila humahaplos sa mukha ko.