Unti-unti ko naimulat ang aking mata dahil sa tila may humahaplos sa aking mukha. Pagmulat nang aking mata seryoso na mukha ni lambert ang aking nasilayan.
Nakaupo na pala siya sa tabi ko, Napansin ko na din na may nakapatong nang leather jacket na itim sa aking dibdib na sa hula ko ay sa kanya.
"Gusto mo naba umuwe para mas makahiga ka nang maayos?"
Pagtatanong niya sa akin habang nakatingin siya sa akin, Bakit parang pakiramdam ko nag-iiba na ang pagkakakilala ko sa kanya.
"Uuwe ka narin ba?"
Tanong ko naman sa kanya, Nakita ko ang simpleng pagkakangiti niya.
"Bakit gusto mo bang sumabay sa akin pauwe?"
Tanong naman niya na pabalik sa akin.
Hindi ko din naman namalayan na tumango na pala ako bilang Pagsang-ayon.
"Bakit kailan lang kita nakita Stella? Bakit hindi ko alam na may kapatid pala si Rafael?"
Bigla niya na naitanong sa akin na nakatitig pa siya sa akin, Na tila naghihintay talaga siya na sagutin ko ang kanyang tanong.
" Mula kasi nang mag aral ako sa maynila hanggang makapag trabaho duon ay hindi na ako nakauwi dito"
Nakatingin ako sa malayo habang sinasabe ko sa kanya ang mga iyon.
"Nang mga panahon naman na nandito ako hindi ako pinapayagan ni kuya magpunta dito sa hacienda, Kasi sabi ni kuya masungit daw ang panganay na anak ng may ari nito"
Palihim ko siyang tinignan gusto ko kasi makita ang magiging reaksyon niya sa huling sinabi ko.
Nakita ko na nagsalubong ang kilay niya kasabay ang muling pagseryoso nang kanyang mukha.
"Gusto ko lalong magalit sa kuya mo, Siniraan na pala niya ako sayo sa una pa lang"
Ano kaya iyon? wala naman masama sa sinabi ni kuya bulong ko sa sarili ko.
"Ang ganda dito sa hacienda. kaya nang una ako na nakapasok dito Sobra ako namangha"
Nakangiti ko na sabi ko sa kanya, Dahil totoo naman kasi na labis ako nasiyahan sa nakikita ko lalo na ngayon.
"Salamat, bata pa lang ako minahal ko na itong hacienda. Kaya pangarap ko na dito bumuo nang sarili kong pamilya"
Napatingin ako sa sinabi niya. Nakatingin na din pala siya sa akin.
"Pero kung ayaw naman niya dito, kung saan naman niya gusto susundan ko siya"
Nahimigan ko ang pagkalumbay sa kanyang boses dahil sa sinabi niya.
Mahabang katahimikan na ang pumagitna sa amin. Naapatingin ako sa katawan niya na walang saplot dahil sa malamig na hangin na tila humahampas na sa amin.
Napatingin ako sa T-shirt niya na nasa hita ko at ang jacket naman niya ay nakatakip sa dibdib ko. Kinuha ko ang t-shirt niya at inabot sa kanya.
"Magbihis kana nga! Magkasakit kapa"
Umiling siya at binalik sa hita ko ang t-shirt niya,
"Sanay na ang katawan ko"
Tahimik kaming dalawa habang huhampas sa amin ang malamig na hangin.
"Gusto mo ba makilala ang ibang mga tao dito?"
Pagtatanong niya sa akin, Nasiyahan ako sa sinabi niya. kaya napatango ako habang nakangiti sa kanya.
Nang makita niyang nakangiti ako ngumiti din siya sa akin. Tumayo na siya at inabot ang Isang palad niya sa akin.
"Tara na pakikilala kita sa kanila"
Inabot ko na din ang kamay ko na hinila niya para makatayo ako, Pero nakaramdam pa din ako pagka-asiwa sa itsura niya dahil wala nga siya suot na damit. kaya muli ko inabot ang t-shirt niya.
"Pls! Pwede ba na suotin mo na ito?"
Natatawa pa siya na kinuha niya sa akin ang t-shirt niya at sinuot naman niya ito.
"Naiilang kaba sa katawan ko?"
Pang-aasar yata na tanong niya sa akin. Naramdaman ko na namula ang mukha ko dahil sa tanong niya.
"Hindi ahh!"
Sagot ko sa kanya. Kinuha na din niya ang jacket niya at sinuot sa akin. Sinara niya ang zipper pataas hanggang sa leeg ko.
"Pag nasisinagan ka kasi nang araw nakikita iyang bra mo sa loob ng t-shirt mo"
Nahiya na naman ulit ako sa sinabi niya. Ganoon ba talaga kanipis ang suot ko na t-shirt? Hinawakan na niya ang kamay ko para maglakad kami papunta sa karamihan nang mga tao.
Hangang sa marating namin ang kumpulan nang mga kababihan na halos lahat ay abala sa kanilang ginagawa, Hinde pa din niya binibitwan ang aking kamay.
Pinakilala ako ni lambert sa kanilang lahat. Pero napansin ko na nakatingin sila sa kamay ko na hawak pa din ni Lambert.
Pasimple ko iyon na inaalis pero lalo lang humihigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay.
Nakangiti na lumapit sa akin ang may pangalan na sitas.
Nilapitan niya ako nang biglang tinawag si lambert sa kabilang grupo ng mga kalalakihan. Napaalam naman siya sa akin kaya binitawan na niya ang kamay ko.
"Hi parang namumukhaan kita?"
Napangiti ako sa kanya.
"Pamangkin ako ni tito Lucio"
Nanlaki ang mata niya na sa tuwa.
"Sabi na eh' E di kapatid mo si Rafael?"
Tumango ako sa kanya habang nakangiti.
"Kaya pala ang ganda mo at yang katawan mo pang miss universe ahh!"
Nginitian ko lang siya sa kanyang sinabi.
"At gwapo din naman si Rafael! Ang dami kaya nakakagusto sa kuya mo. Nasaan na nga ba siya?"
"Ahhmm may pinuntahan lang"
Sagot ko na lang sa kanya. Hinila na niya ako sa ibang mga kababaihan. Para makipag kwentuhan tinuruan din nila ako kung paano gumawa nang kaing at ng mga makabagong gamit para sa mga mangga,
Nalilibang naman ako. paminsan minsan tinatanaw ko si lambert sa kabilang grupo. napapabalik bigla ang tingin ko sa mga kasama ko pag nagtatama ang mga mata namin.
Ang dami kong nakilala at nalaman tungkol sa trabaho sa hacienda.
Halos lahat sa kanila ay madaldal.
Oras na ulit ng pahinga nila para kumain.
Lumapit sa akin si Lambert para dalhin akong muli sa puno para kumain.
Muli niya hinawakan ang aking kamay habang papunta sa puno, Muli ako naupo kung saan ang pwesto ko kanina. Ganoon din naman siya.Pero sa pagkakataon ngayon wala nang puwang ang pagitan sa amin dalawa. dahil magkadikit na ang aming balikat.
Nakita ko na muli na naman niya hinubad ang kanyang t-shirt at muling tinakip ulit sa legs ko. Napangiti na lang ako. Naramdam ko na lang din ang bilis ng t***k nang puso ko.
"Sino naghatid ng mga ito?"
Tanong ko sa kanya.
"Tumawag ako kay manang nagsabi ako na pagluto na lang tayo nang pagkain at padala dito kay Anna"
"Ah ok.."
Sagot ko na lang dahil ang lakas talaga ng t***k nang puso ko dahil halos magkatabi na ang pisngi namin.
Parang mapaparami ako nang kain ngayon. Dahil ang sarap ng mga nasa harapan ko.
Nag-uumpisa na kami kumain. kumuha ako chapsouey at sugpo.
Napatingin ako sa kanya kasi kinuha niya ang sugpo na nasa pinggan ko.
Nakita ko din na binabalatan niya ito at muling binalik sa pinggan ko.
Napapikit ako sa ginawa niya dahil parang ang lakas nang t***k ng puso ko dahil sa ginawa niya.
Ano ba na nangyayari sa akin? Tanong ko sa sarili ko. Hindi na ulit ako kumuha nang sugpo kahit na anong ulam. Uubusin ko na lang kung ano itong nasa pinggan ko.
Ano bang meron ang lambert na ito? At pinapakabog nang ganito ang puso ko.
Dahil sa malalim na pag-iisip nagulat pa ako sa bigla niyang pagsalita.
"Gusto mo bang magpunta na dito palagi? Para hindi ka naiinip sa bahay"
"Kung ok lang sayo"
Sagot naman sa kanya.
"Oo naman! pwede ka din sumabay sa akin para pumunta dito O kaya naman pagkagising mo susunduin na lang kita sa bahay"
Sabi pa niya habang ang mata niya ay nasa sugpo na kanyang binabalatan.
Pero muli ako napatingin sa ginawa niya. Dahil ang sugpo na binalatan niya ay nilalagay niya lahat sa pinggan ko.
Wala na yatang gagawin ito kundi magbalat nang sugpo at ilagay sa pinggan ko.
Pagtapos namin kumain ganoon pa din ang ginawa niya pagkahugas nang kanyang kamay, Kamay ko naman ang kanyang hinugasan.
Nang una nakipag agawan ako sa gallon na may tubig para makapag hugas ako nang kamay ko pero mapilit siya.
Hinatid narin niya ako pabalik nang bahay dahil may pupuntahan daw siya.
Kaya ginawa ko na lang naligo at nakatulog ako nang basa ang aking buhok.
Nakakapagod naba iyon? O nabagot lang ako dahil wala si lambert ngayon sa tabi ko. Nakatulog ako nang ganoon ang iniisip ko..