Naalimpungatan ako na para ba may umaangat sa akin at maingat ako na binaba para mapa-ayos ang aking pagkakahiga
Naramdaman ko rin na inangat ang buhok ko pataas sa unan.
Pagkatapos wala na ko maalala dahil tuluyan na ulit ako na hinila nang antok dahil na rin siguro sa maayos na pagkakahiga ko.
Nagising ako sa umaga nang madilim-dilim pa, Paglingon ko sa gilid ko nakita ko na nakasandal ang mukha ni lambert sa balikat ko. Magkadikit rin ang aming katawan. Muli ko na naman naramdaman ang estranghero na pagtibok nang puso ko.
Nang makita ko na gumagalaw siya, Muli ako pumikit naramdaman ko rin na tinagilid niya ako nang dahan-dahan, Nilagay din niya ang braso ko sa bewang niya.
Dahil sa kanyang ginawa naging mailap na sa akin ang antok. Sumabay pa ang mabango niya na amoy na lalong nagpagising sa akin.
Nanalangin ako na sana lang hindi niya marinig ang lakas nang kabog ng aking diddib, Dahil pag nagkataon malalaman niya na gising ako at pumayag sa ginawa niya.
Bigla ako nakarinig na may nagring na phone. alam ko sa kanya iyon dahil nasira ang sa akin, Hindi ko alam kung saan niya kanyang phone, Basta hindi niya inaalis ang braso ko sa bewang niya.
Hindi ko rin naramdaman na humiwalay ang pagkakadikit nang katawan niya sa katawan ko.
"Yes mommy"
Sagot niya dito sa mahinang boses,
"I'm fine here mommy"
"No mommy"
"Ok I love you mommy take care of yourself"
Maya-may naramdaman ko na may mainit na labing dumampi sa noo ko,
Grabe na naman ang t***k ng puso ko. lambert anong ba ginagawa mo. Ano ba ang plano mo, Bulong ko sa isip ko. Pero naisip ko rin masaya ako sa ginagawa niya at pinaparamdam niya.
Dahil sa kasiyahan na nararamdaman ko nakatulog ako nang may ngiti sa labi ko.
Muli ako nagising nang may ngiti sa aking labi dahil nakayakap pa din pala ako sa kanya.
Nang maramdaman niya na gumalaw ako nagmulat siya ng kanyang mata.
"Hi good morning"
Nakangiti niya na bati sa akin,
"Good morning bakit nandito ka pa?"
Pag-tataka na tanong ko sa kanya.
Dahil bigla ako napatingin orasan nasa nakasabit sa pader na nasa harapan lang namin. Slas otso na ng umaga, Dahil pag nagigising ako ng ganitong oras ay wala na siya.
"Hinintay talaga kita magising"
Sagot niya sa akin.
"Bakit?"
"Para isabay kana sa pagpunta sa manggahan"
"Oo nga pala"
Bigka ko naman naaalala. Tumayo na ako at nagmadali na magtungo sa banyo. Pagpasok ko nang banyo napatingin ako sa salamin. Kaya nakita ko ang sarili ko. Nakita ko rin ang damit na maninipis habng nakaumbok ang dibdib ko.
Shit! hindi nga pala ako nagsuot nang bra kahapon ng matapos ako maligo"
Wala naman kasi talaga ako balak na matulog kagabi ng ganito ang suot ko. Dahil na rin sa basa pa ang buhok ko kahapon.
Magpapatuyo pa muna sana ako nang buhok ko. Pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Ibig sabihin rin habang nakyakap ako sa kanya nakadikit ang dibdib ko sa katawan niya'? pati ang kanina din na bigla kong pagtayo sa higaan ay nakita din niya ito?
"AAaaaaa!!!
Paimpit na Pagsigaw ko. Habang nagpapadyak ang paa ko sa sahig nang banyo. Napahawak din ang dalawang palad ko sa mukha ko. " Nakakahiya talaga!" Mahina na bulong ko.
Hindi ko alam kung paano mag-uumpisa sa loob nang banyo. Dahil wala rin pala ako dalang pamalit ano ba yan nawawala ako sa sarili ko.
Sumilip na ako sa pintuan. sinilip ko muna siya dahil kukuha ako nang aking pamalit at bago na twalya.
Nakita ko na nakaupo na siya habang nakasandal sa kama. Hawak pa din niya ang phone niya habang may tinitignan.
Nagmadali ako lumabas at pumunta sa Aparador. Nagmadali ako kumuha nang kailangan ko at nagmadali din bumalik sa banyo.
Pagtapos kong maligo, Muli ako lumabas sa banyo. Nakita ko na sasa ganoon pa din siya na pwesto niya. habang abala pa rin siya sa pagkakatingin sa Selpon niya.
Naramdaman siguro niya na palapit na ako, Kaya tumingin siya sa akin na muli na naman sumeryoso ang kanyang mukha.
Nakita ko na tumayo na rin siya at nagtungo na sa aparador. Ang buong akala ko kukuha siya nang kanyang susuotin para maligo.
Dahil sa napatingin ako sa kanya. nakita ko na damitan ko ang binuksan niya. May kinuha siya na nakahanger na skinny jeans, At lumapit siya sa akin sabay abot nang pantalon sa akin.
"Magpalit ka! ayoko ng ganyan ang suot mo!!"
Pagka-abot niya ng pantalon sa akin agad din naman siya na tumalikod at tuluyan nang pumasako sa loob ng banyo
May pagtataka na napatingin ako sa suot ko, bakit ba ayaw niya ng naka short ako sa labas?
Para hindi na lang kami magtalo ulit. sinunod ko na lang siya nagmadali na ako na isuot ang pantalon habang nasa loob pa siya nang banyo.
Nagsusuklay na ako ng lumabas siya ng banyo. Nakita ko ang paglapit niya sa akin, Kinuha niyan ang suklay na hawak ko Ang buong akala ko ilalapag niya sa lamesa para umalis na kami.
Pero nagulat ako sa sumunod na ginawa niya dahil siya na ang nagsuklay sa buhok ko.
"Sa susunod huwag ka matutulog na basa ang iyong buhok "
Binaba na niya ang suklay at muli niya ako hinawakan sa kamay ko palabas nang kuwarto,
Habang pababa sa hagdan nakita ko si anna sa sala habang naglilinis ito. Pagtapat naman namin sa kanya napatingin siya kamay ko na hawak pa rin ni Lambert.
"Good morning señorito"
Simpleng pagbati ni Anna. Pero parang hindi niya ako nakita.
"Good morning Anna pakisabi na lang Kay Manang kasama ko si Stella"
Sagot naman niya kay Anna at sabay hila na sa kamay ko. Napansin ko pa na sinundan niya kami ng tingin ni Lambert.
Paglabas namin sa malaking pinto nagulat pa ako sa nakita ko Dahil may kabayo sa labas. Habang hawak ito ng isang may edad na lalaki,
"Good morning Señorito"
"Good morning mang Caloy"
"Sige ako na po bahala"
Pagtataboy niya sa matanda sabay kuha sa tali ng kabayo.
"Tara na"
Nakangit niya na sabi sa akin.
"Teka lang" diyan tayo sasakay?"
Gulat na gulat na tanong ko sa kanya.
Tumango siya na nakangiti.
napapailing ako sa kanya.
"H-Hindi pa ako nakasakay diyan e' baka naman ihulog ako niyan?"
Natatakot na sabi ko sa kanya pero napangiti lang siya. Hinila na niya ako at walang sabi at kahirap-hirap na inakyat sa kabayo. Sa labis na pagkagulat ko napahawak ako sa kamay niya. habang ang isa ko na braso ay yumakap padapa sa kabayo.
Narinig ko pa ang mahina na pagtawa niya. Hindi ako bumibitaw sa kamay niya, Kahit na nakaupo na siya habang nakapwesto sa likod ko. Narinig ko din ang pagbulong niya sa tenga ko.
"Don't be afraid darling I won't let anything bad happen to you!"
Yumakap ang dalawa niyang braso sa bewang ko para mapalakad na ang kabayo. Naramdaman ko rin ang init ng katawan niya sa likod ko.
Nsng una natakot ako sa paglakad ng kabayo pero napalitan naman nang tuwa dahil dahan-dahan lang pagpalakad na ginawa niya dito.
Naramdaman ko naman ang mainit na hininga niya sa batok ko kasabay ang tila pagtayuan nang aking balahibo ko dahil sa kakaibang init na aking naramdaman.
Para mawala ang atensyon ko sa init na biglang naramdaman ng katawan ko, Naisipan ko na magtanong ako sa kanya.
"May kabayo ka pala dito?"
"Oo isa sila sa minahal ko dito sa hacienda"
Sagot naman niya sa akin. Ramdam ko ang labi niya sa gilid nang aking batok.
"Sila?" Ibig sabihin marami sila?"
Natutuwa na tanong ko sa kanya.
"Yes' minsan dadalhin kita sa kanila gusto mo ba sila makita?"
May himig nang pananabik ang kanyang tanong sa akin. Kaya pasimple ako na sumagot sa kanya
"Sige"
Naramdaman ko na humigpit ang pagkakayakap niya sa bewang ko, Dahil unti-unti na niya pinalabilis ang pagpapalakad sa kanyang kabayo.
Nang marating namin manggahan tulad nang dati sa ilalim ulit kami ng puno ng mannga nagpunta.
Nauna siya na bumaba at walang kahirap-hirap naman niya ako na binuhat pababa mula sa kabayo.
Pagkatali niya sa kabayo muli niyang hinawakan ang aking kamay, At dinala niya ulit ako kila sitas.
Nagpaalam siya saglit sa akin, Sinabi niya na dito lang muna ako. Tumango lang ako sa kanya, pero bago siya tumalikod tila napatingin muna siya sa labi ko.
Na tila para ba na meron siya na gustong gawin. Narinig ko na lang ang buntong hininga bago siya tuluyan na umalis.
Masaya ako na lumapit kila sitas at tuwang-tuwa din sila dahil muli nila ako na nakita.
"Stella gusto mong sumama sa amin?"
"Saan?"
Tanong ko sa kanya.
"Maliligo kami sa batis'
"Sino sino kayo?"
"Tayo nila karla"
Sabay nguso sa katabi niya na abala sa ginagawa niya.
"At ang tatlong pinsan ko,"
Napaisip ako papayagan kayo ako ni lambert? Napansin naman niya ang bigla na pagtahimik ko.
"Puro naman tayo babae kaya wag kang mag-alala at hindi tayo magpapagabi"
"Ok sige"
Sagot ko na lang. susubukan ko na lang magpaalam kay lambert.
"Yan ha! wala ng atrasan yan"
Tuwang tuwa na Sambit niya sa akin..