Masaya ako sa maghapon na lumipas. Napapansin ko rin na parang nagiging normal na ang buong araw sa akin na kasama si lambert.
Sa kabayo ulit kami sumakay ni lambert pabalik sa malaking bahay. Katulad parin kanina buong ingat pa din niya akong inakyat at binaba sa kabayo.
Hindi na rin siya umalis ng bahay. Sabay na rin kami kumain para sa hapunan at sabay rin kami umakyat sa itaas nang kwarto niya.
Napapansin ko na lagi na lang niya hinahawakan ang kamay ko na parang tatakbo ako o mawawala.
Napaisip ako hindi naman ako tatakas, hihintayin ko si kuya dito. Dahil gusto ko rin malaman ang nangyari. Kung bakit galit sa kanya si lambert at kung bakit bigla siyang nawala.
Pagdating namin sa kwarto niya, Sinabihan niya ako na mauna na sa banyo. Nakita ko kasi na kinuha niya ang loptop niya at binuksan iyon.
Bago ako pumasok nang banyo narinig ko naman na may kausap na siya sa phone niya habang ang kanyang paningin ay nasa kanyang loptop.
Pagkatapos ko maligo.
Nagsuot na lang ako ng t-shirt na puti na mahaba at short na maikli na malambot.
Komportable kasi talaga ako sa ganito na kasuotan lalo na pag matutulog.
Nakaharap pa rin siya sa loptop niya nang maupo na ako sa gilid ng kama niya. Habang pinapatuyo ko naman ang buhok ko sa pamamagitan ng pagpunas ng twalya.
Napansin ko naman na napatingjn siya sa akin, Kasabay na tinignan ang kabuuan ko at nagsalita na siya.
"Huwag ka matutulog nang basa ang buhok mo"
Hindi ako sumagot dahil nagpatuloy pa siya sa kanyang sinasabi.
"Luluwas ako bukas ng Maynila pero babalik din ako agad dito bago magdilim"
Malalim ang tingin na ginawa niya sa akin. Na tila parang binabasa niya siguro kung ano ang magiging reaksyon ko. Iniisip din niya siguro na tatakas ako.
Hindi ko naman gagawin iyon dahil sa unti-unti na din ako na nasasanay na kasama siya.
Dahil pagginawa ko naman iyon may bahagi sa puso ko ang tumututol,
"Ok sige"
Matipid ko na lang na sagot sa kanya.
Sinara na niya ang kanyang loptop at tumayo siya sa kama para pumasok na sa banyo. Tapos na siya maligo pero ang buhok ko hindi pa rin natutuyo dahil sinusuklay ko pa din ito habang patuloy na pinupunasan nang twalya.
Saglit ko siyang napagmasdan dahil nakatapis lang siya ng twalya paglabas niya nang banyo, Kaagad ko naman iniwas ang aking paningin sa kanya.
Pagbalik niya sa kama nakita ko naka boxer short na siya at walang damit pang itaas.
Muli niya kinuha ang kanyang loptop at muling inabala ang sarili sa harapan into.
Ang tagal din bago ko napatuyo ang bubok ko. Dahil sa kakapunas ng twalya na habang nagsusuklay. Bakit naman kasi walang blower dito. Meron ako kaya lang iniwan ko sa apartment na tinutuluyan ko sa Maynila.
Sumampa na ako sa kama para mahiga. Tumagilid ako patalikod sa kanya at niyakap ang malaking unan na sa gilid ko. Hindi pa ako nagtatagal sa pagkakahiga ko nang marinig ko ang pagsara ng kanyang loptop at ang pagkilos niya sa kama.
Naramdaman ko rin na yumakap ang braso niya sa bewang ko, At naramdaman ko rin ang mainit na hininga niya sa batok ko. Pabulong rin siya na nagsalita na sa himig na tila nakikiusap.
"Stella huwag kang aalis dito! hintayin mo sana ako na makabalik!"
Parang may humaplos sa puso ko sa klase ng pakiusap niya sa akin. kaya sumagot naman ako.
"Sige"
Dahil na rin siguro sa naging sagot ko sa kanya humigpit ang yakap niya sa akin. Nanatili rin kami sa ganoon na posisyon hanggang sa parehas na kaming nakatulog.
Wala na si Lambert paggising ko. Pero nayakap pa din ako sa unan habang may kumot ng nakatakip sa akin.
Tumayo na ako para magpunta sa banyo at para maligo. Pagtapos bumaba na ako para magpunta ng kusina.
Nadatnan ko naman si Manang na nagluluto na Kay naupo ako sa mesa at ako na ang nagtimpla ng hot chocolate ko para sa akin.
"Oh stella gising kana pala maaga umalis si Lambert ayaw ka nga pagising hayaan ka lang daw namin na magpahinga"
Nakita ko si Anna na pumasok galing sa likod ng kusina na napatingin pa sa akin.
Parang ang talim nang kanyang mata dahil siguro sa narinig niya.
Nagsalita ulit si Manang habang si Anna naman ay abala sa paglagay nang mga gulay sa ref.
"Nagkita pala kami ni sitas sa pamilihan magkita na lang daw kayo mamayang pagkatanghali sa manggahan"
Nagulat ako sa sinabi ni Manang. Nakalimutan ko na ang tungkol sa batis. Hindi ko pala iyon nabanggit kay Lambert. Pero kaagad din ako na napaisip, siguro uuwi na lang ako nang mas maaga para maunahan ko si Lambert sa pag-uwi niya. Para naman mapagbigyan ko na lang sila sitas.
"Saan ba ang punta ninyo?"
Napalingon sa akin ni Manang habang sinasalin ang natapos na niyang lutuin.
"Sa batis daw po maliligo"
"Ganoon ba oh siya sige para hindi ka mainip dito"
Sabay lingon niya kay anna na nag aayos na sa mesa.
"Anna samahan mo si stella"
"Nay may gagawin po ako mamaya e"
"Anong..?!"
Sumagot na ako sa kanila.
"Manang huwag na po marami naman po kami e"
Napabuntong hininga na lang si Manang
"Oh Siya sige magluluto na lang ako ng konti para naman may baon kayo"
"Sige po Manang salamat"
Napatingin ako kay Anna na tumalikod at pumasok sa likod nang kusina,
Ano kaya ang problema niya sa akin? bakit parang ayaw niya sa akin?
Pagtapos ng tanghalian lumakad na ako papuntang manggahan, Pag ganitong sabado pala kalahating araw ang trabaho nila. Pag linggo naman daw ay wala silang pasok ayon na din sa kwento ni Manang.
Nakita ko kaagad si sitas sa ilalim ng isang malaking puno. kinawayan naman niya ako agad. nakita ko din si Carol nginitian din niya ako paglapit ko sa kanila.
Pinakilala na rinnsa akin ni sitas ang mga pinsan niya na nakaga-angan ko din naman agad nang loob dahil mga palabiro sila.
May Isang oras din ang nilakad namin bago narating ang batis, Ang layo pala nito. Pumasok kami sa mga gubat na napapaligiran ng naglalakihang puno at medyo masukal na daan.
Pero nang tuluyan na namin marating ang batis. Namangha ako dahil sobrang ganda nito.
Ang linaw ng tubig at wala ka makikita na kahit na anong basura o dumi na maaring makasira sa napakagandang tanawin.
Kwento ni sitas pag-aari pa daw ito ng hacienda, Pinapayagan lang daw maligo dito ang mga nagtatrabaho sa hacienda o kamag anak lamang.
Nilapag na namin ang aming maga dalahin. Lumusong naman agad sila sa tubig. Hindi na sila nagpalit ng damit. Kaya ganoon din ang ginawa ko naka short ako ng maikli na maong at t-shirts ulit na puti.
Puro namin kami babae, Kaya ito na lang ang sinuot ko tutal wala naman si Lambert.
Paglusong ko sa tubig naramdaman ko ang lamig nito sa katawan ko. Hindi ako marunong lumangoy kaya sa mababaw na bahagi lang na batis ako nanatili.
Umahon na kami dahil nagkaayaan nang kumain. Nilabas ko din ang mga pagkain na pinadala ni Manang.
Habang kumakain nagkwentuhan kami nakakatuwa kasi mga madaldal silang lahat.
Ako ang naging sentro ng usapan nila.
"Stella boyfriend mo ba si señorito Lambert?"
Tanong ni Carol sa akin. dahilan para mapatingin silang lahat sa akin na may kasama na pananunukso sa kanilang mga tingin.
Napailing ako. Pero si sitas naman ang nagsalita.
"Hindi mo boyfriend si Señorito? Pero kung tignan at itrato ka niya ay daig pa ang boyfriend mo"
" Aba halos ayaw na niyang bitawan ang kamay mo ah! kahit saan nga kayo magpunta laging kamay mo ang hawak niya, bibitawan ka lang niya pag napipilitan"
Si sitas pa din.
Totoo naman kasi ang sinabi ni sitas, Para akong bata na laging mawawala kung makahawak si Lambert sa kamay ko.
"Ganoon lang tlaga si Lambert"
Sagot ko na lang, para matapos na lang ang usapan nauna na ako lumusong sa tubig.
Sinabi ko rin sa kanila na kailangan ko makauwi ng maaga dahil may gagawin ako at pumayag naman sila.
Hindi pa kami nakakalayo sa batis nang biglang may mabangis na hayop na sumalubong sa amin.
Kulay itim ito na nakalabas ang mga pangil hindi ko na ito napagmasdan maiigi, Dahil napasigaw na ang mga kasama ko at tumakbo palabas nang gubat.
Sa labis na pagkagulat ko naman napatakbo ako pabalik kung saan kami nanggaling kanina.
Narinig ko na tinawag ni sitas ang pangalan ko pero paglingon ko. Sa akin papunta ang mabangis na hayop
Kaya napatakbo ako nang mabilis at nabitawan ko ang lahat nang mga hawak ko. Mangiyak-ngiyak na ako sa takot dahil hindi ko na alam kung saan na ako nakarating.
Nang maramdaman ko na wala ng humahabol sa akin. dahan-dahan ako naglakad napansin ko naman na bumalik pala ako sa batis kung saan naligo kami kanina.
Napaupo ako sa malaking bato at muling napaiyak, Natatakot ako bumalik palabas dahil baka makasalubong ko uli ang mabangis na hayop na iyon..