Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa hindi ko inaalis ang baril na nakatutok sa sintido ko,
Walang tigil ang pag agos ng luha ko dahil sa nakikita ko na itsura nila,
Pareho silang sugatan at may mga dugo na umaagos sa mga katawan nila,
Pero labis ako naawa sa itsura ni Lambert,
Pikit na ang isang mata niya habang may dugong umaagos sa gilid nito,
Pati ang labi niya putok na din patuloy ang pag Agos ng dugo,
Mas marami siyang sugat na natamo kesa kay kuya,
"Stella ibaba mo iyan"
Utos ni kuya sa nag aalalang boses,
"Kuya tama na!!"
Umiiyak na sabi ko sa kanya,
"Stella darling bitawan mo iyan hindi ko na sasaktan ang kuya mo"
Nalipat ang tingin ko kay lambert dahil sa boses niya na nagmamakaawa
NakiKita ko ang labis na takot sa mata niya,
Lalo ako naiyak dahil sa sinabi niya,
hindi na daw niya sasaktan si kuya,
Sa tingin ko nga sa itsura niya hindi na siya makakalaban kay kuya dahil sa kalagayan niya,
Umiiyak akong nakatingin sa kanya mahigpit pa din ang hawak ko sa baril,
"Tara na darling pumasok na tayo sa loob"
Nakita ko na ang pag-uulap ng mata niya,
"Hindi siya sasama sayo Casimiro Sasama siya sa akin palabas ng hacienda na ito!!!"..
Sigaw ulit ni kuya sa kanya,
Pero hindi niya pinansin si kuya nasa akin ang buong atensyon niya,
"Darling pls!! ibaba mo na iyan isipin mo ang baby natin"
Nagulat ako sa sinabi niya paano niya nalaman na buntis ako,
Pero bago ako nakasagot sa kanya sinikmuraan siya ni kuya ng ubod ng lakas,
Nakita ko ang pagbagsak niya sa lupa at ang pabigla niyang pagbuga ng dugo mula sa bibig niya,
"Hayup ka Casimiro binuntis mo ang kapatid ko!!!!
Sigaw ni kuya,
Sasaktan Sana ulit niya si lambert pero sumigaw ako dahil sa takot na nakikita ko sa kalagayan ni Lambert,
"Kuya!!!! tumigil kana!! pag hindi ka tumigil hindi ako magdadalawang isip na kalabitin ang baril na ito!!!!"
Lalo kong idiniin sa sintido ko ang bunganga ng baril,
Wala na akong pakiaalam kung makalabit ko man ito,
Huwag ko lang makita na nagpapatayan ang dalawang lalaki na importante sa akin,
Takot na takot na pilit tumayo ni Lambert
dahil sa narinig niya sa akin,
"Darling pls ibaba muna iyan pumasok na tayo sa loob baka mapaano pa kayo ng baby natin"
Umiiyak na din siya habang nakikiusap,
Umiling ako kay lambert habang umiiyak,
"Tama na lambert! tama na ang pagpapangap mo!"
Nahihirapan na sagot ko sa kanya
Nagulat siya sa sinabi ko,
"Darling....?"
"Nagawa mo nang makapaghiganti kung ano ang gusto mo para Kay savannah nagawa mo na!!"
Umiiyak na sabi ko parin sa kanya,
Hinang hina na ako sa kakaiyak,
"No darling..."
Umiiling siya habang lumalapit sa akin,
"Huwag kang lalapit!!"
Sigaw ko sa kanya habang hawak ko pa rin ang baril na hindi natitinag sa pagkakahawak ko,
Dahil pag lumapit siya alam ko yayakapin niya ako na lagi niyang ginagawa,
Nakita kong natakot siya sa puwede kong gawin dahil sa nakikitang niyang ayos ko,
Tumingin ako kay kuya na awang awa na din siya sa akin,
"Kuya kunin muna ako"
Garalgal ang boses ko na sabi ko kay kuya Rafael
"Hindi darling huwag mong gawin ito' ang lahat ng sinabi at pinakita ko sa iyo totoo lahat iyon"
Umiiyak na sabi niya sa akin,
Napatingin ulit ako sa kanya na umiiling habang walang tigil ang pagluha ko,
Hinang hina na talaga ako' hindi na ako makapag isip ng maayos,
Nakita ko ang pagluhod niya sa lupa na parang hinang hina habang umiiyak,
Nakita ko din ang biglang paglapit ni Manang at ni Anna para alalayan siya,
Nakita ko ang pag iyak ni anna na inalalayan agad si Lambert'
Pati si Manang na awang awa sa itsura ni Lambert,
Tumingin sa akin si Manang na umiiyak,
"Stella iha' patawad hindi ko alam na Ikaw pala..."
Umiling ako kay Manang at ngumiti,
"Wala ka pong kasalanan Manang"
Tumingin ulit ako kay kuya,
"Kuya tara na umalis na tayo"
Umiiyak pa din na pakiusap ko,
"Hindi stella! hindi ka aalis dito darling pakiusap! hindi kayo aalis ng anak natin"
Nagulat ako sa biglang pagtayo niya ang bilis ng pagkakayakap niya sa akin,
Agad niyang kinuha ang baril na hawak ko itinapon ito sa malayo,
halos mapipi ako sa higpit ng yakap niya,
"Nooo!!! darling pakiusap huwag mong gawin sa akin ito!!
Umiiyak na pakiusap niya,
halos dumikit na ang pawis at mga dugo niya sa katawan ko sa higpit na pagkakayakap niya sa akin,
"Mahal mo ako Diba!! Mahal mo ako!!"
Paulit ulit na bigkas niya,
Parang lalo ako nanghina sa klase ng pagkakayakap,
Nanduon lahat ng takot na lagi niyang sinasabi na darating ang araw ng kukunin ako ni kuya mula sa kanya,
Halos hindi na maintindihan ang mga sinasabi ko sa kanya dahil sa tindi nang paghagulgol kong iyak,
Dahil sa labis na paghihirap ng loob ko sa nakikita kong awa sa kanya,
"Hangat may galit sa mga puso ninyo ni kuya hindi maayos ang lahat ng ito"
Sagot ko sa kanya habang sinasabayan ang pag iyak niya,
Tinignan niya ako sa mukha at kinulong ng dalawang palad niya ang mukha ko,
"Darling tumingin ka sa mga mata ko"
Utos niya sa akin,
"Pagkatapos ng lahat ng sasabihin ko saka mo isipin kung nagsisinungaling ako"
Umiiyak na sabi niya, pinupunasan niya ang mga luha kong walang tigil sa pag agos,
Gusto kong haplusin ang mata niya na hindi niya maidilat ang isa dahil sa dugong patuloy na umaagos dito,
"darling kung ano man ang meron Galit sa puso ko kaya kong magpatawad para sa iyo"
nakatitig siya sa mata ko habang sinasabi iyon,
"huwag mo lang ako iiwan! huwag nyu lang ako iiwan ng baby natin'"
"Mahal na Mahal Kita"
"Mahal na Mahal ko kayo ng baby natin"
Sinasabi niya iyon habang patuloy na umiiyak,
Hinang hina ako pakiramdam ko babagsak na talaga ako,
Dahil siguro sa wala din ako gaano kinain mula kagabi at kaninang umaga,
Kasama na din sa mga pangyayari ngayon na nagpapahina sa katawan ko,
Nakita ko sa likod ni Lambert na sumenyas si Kuya sa mga lalaki na kanina pa nakatayo habang tinitignan lang kami,
"Darling pls huwag mo ako iiwan!"
Hinalikan niya ako sa labi nalasahan ko ang dugo mula sa namamaga na labi niya,
Napapikit ako pero agad din naghiwalay ang labi namin dahil may humila na kay lambert' papalayo sa akin,
Nakita ko ang galit niya habang nilalabanan ang tatlong lalaki na humahawak sa kanya palayo sa akin,
Walang nagawa ang laki ng katawan niya sa tatlong iyon,
Dahil sinadya ata talaga na ganoon din kalalaking katawan ang isinama ni kuya,
Nakita ko din ang pagtabi agad ni kuya sa akin at pag alalay dahil nakita niyang babagsak na ako,
"stella ok ka lang? umalis na tayo ng makapag pahinga kana"
Nag aalala na sabi ni kuya,
hindi ko siya sinagot dahil napatingin ulit ako kay lambert na patuloy na pilit na nilalabanan ang pagpigil sa kanya para lumapit sa akin,
"Bitawan ninyo ako!!"
"Sa oras na may mangyari sa mag ina ko babalikan ko kayong lahat!!!!!!
Patuloy na sigaw niya habang nakatingin sa akin dahil nakikita niya siguro na napakapit na ako kay kuya
walang tigil ang pag iyak ko habang unti unti ako kinakain ng kadiliman,
Narinig ko pa ang pagsigaw ni kuya sa pangalan ko kasabay ng pag akap niya sa katawan ko na sobra na talagang hinang hina na
Narinig ko din ang malakas at galit na pag sigaw ni Lambert..
"Stella!!!!!!!!!!!!!!"
*****************************************