Stella To Hacienda Mondragon

1052 Words
Nagising ako sa Mahabang pagkakahimbing, "Lambert!!!" Tawag ko dahil siya ang bigla kong naalala, Nilibot ko ang mata ko sa Loob ng kuwarto, Mas Malaki at maganda ito kung ikukumpara sa Kuwarto ni Lambert, Ang ibig sabihin nasa ibang lugar ako, Napatingin ako sa biglang pagbukas ng malaking kuwarto, Nakita ko ang ang babae na unti unti lumalapit sa akin, Para siyang nakangiti dahil na din siguro sa dalawang biloy niya sa magkabilang pisngi, Nung tuluyan na siyang nakalapit sa akin lalong lumalim ang biloy niya at lalong sumingkit ang mata niya sa pag ngiti niya, Para akong nakakita ng diyosa sa harapan ko dahil sa kagandahan niya, Naupo siya gilid ng kama para tumabi sa akin, "Kamusta kana? Ok naba ang Pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin, "Ako nga pala si Sophia" Nakangiti niya ulit na sabi sa akin, "Nasaan ako?" Pagtatanong ko sa kanya, "Nasa hacienda ka ni don Felife Mondragon" Nakangiti ulit niya na sagot sa akin, Naalala ko nung bangitin niya ang pangalan don Felife dahil minsan ko na itong narinig kay tatang sebastian at Lambert, Bigla na naman ako nakaramdam ng kalungkutan nung maalala ko na naman si Lambert, "Nasaan si kuya Raf?" Tanung ko ulit sa kanya, "Nasa labas siya kausap si Daddy nalaman ko na Anak pala kayo ng matalik na kaybigan ni daddy" Gulat na napatingin ako sa kanya, ibig sabihin nakita na ni kuya ang Ama namin, Tanong ko sa isip ko, napaisip din ako sa babaeng nasa tabi ko, Anak siguro siya ni Don Felife dahil kahit simple lang ang pananamit niya at wala siyang make-up hindi maitatago na alagang alaga ito, Sa isip isip ko, Aalis sana ako sa higaan para lumabas nung biglang pumasok si Kuya Rafael, Tumayo na si Sophia para magpaalam, "Maiwan ko na muna kayo" Nakangiti niyang paalam sa amin, Naupo si kuya sa tabi ko kung saan nakaupo kanina si Sophia, "Ayos naba ang Pakiramdam mo?" Tanong niya na may pag-aalala, "Kuya nagkita naba kayo ng ama natin?" Hindi siya nagulat sa tanong ko, "Oo Stella kaya ako nawala dito ay tinanggap ko ang alok niya na pag aralan ang negosyo niya sa Spain" Sagot sa akin ni kuya, hindi ko alam kung magagalit ako sa kanya dahil parang ang bilis niya magpatawad, "Pero kuya ganon lang iyon? Diba siya ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Mommy? Tanong ko sa kanya, "Stella hindi si daddy ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Mommy!" Nagulat ako sa sinabi niya, kung hindi si daddy? Sino at anung dahilan?" tanong ko sa isip ko, "Minsan stella nakita ko si Mommy na may iniinom na gamot na palihim" Pag uumpisa niya ng kuwento sa akin, "Dahil sa nagtataka ako bakit araw araw siya umiinom at palihim ako kumuha ng isa at pinatignan sa kakilala ko na may ama na doctor" Hindi ko inaalis ang mata ko sa kanya habang nagkukuwento siya, "Ang sabi sa akin ng kaybigan ko ang gamot daw na iyon" "iniinom lang daw ng may sakit na Amytropic Lateral Sctrosis" Napaisip ako sa sakit na sinabi niya dahil hindi ako pamilyar sa ganoong uri ng sakit, "Nagtataka daw ang ama niya paanong nagkaroon ng ganun sakit si mommy" sabi pa ni kuya, "Pero kuya diba sabi ni tito nagpakamatay si mommy dahil sa ama natin?" tanung ko pa din sa kanya, Nakita ko na umiling si kuya na hindi nakatingin sa akin, "Nagpakamatay si Mommy dahil hindi niya matangap ang sakit niya" "Dahil matagal na niya itong nilalabanan at pagkakaalam niya ay limang taon na lang ang itatagal niya" Ngayun ko unti unti nalaman na ang totoong nangyari Kay mommy, "Hindi alam ni tito ang sakit niya dahil ayaw ipaalam ni mommy kaya hinayaan ko na lang na isipin niyang si daddy ang dahilan" Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin, "Alam ko na ang lahat kung paano ka napunta sa kamay ni Lambert pinahanap ka pala ni don felife nung malaman niya na anak tayo ni daddy na kaybigan niya" Sabi ulit niya, "Hayuup siya mapapatay ko siya sa muli namin pagkikita" Galit na sabi ni kuya, Napaiyak ako sa isipin na iyon, gusto kong sabihin Kay kuya na mahal ko ang lalaking kinamumuhian niya, Pero bago ko sabihin iyon may gusto muna ako malaman, "Kuya nagkaroon ba kayo ng relasyon ni Savannah?" Nakita ko ang pahigpit na hawak niya sa sapin ng kinahihigaan ko, "Hindi ko alam stella kung relasyon ba na matatawag ang isang gabi na iyon" Nagulat ulit ako sa pinagtapat niya' ibig sabihin may nangyari nga sa kanila ni Savannah at siya nga ang ama ng nawalang anak nito' Parang naninikip ang dibdib ko sa isipin na iyon, Paano ko sasabihin sa kanya na nagbunga ang isang gabi na ginawa nila at namatay yung sanggol, Pero karapatan niya malaman na nagkaanak siya, Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, "Stella bakit umiiyak ka?" Pag aalala at Pagtataka na tanong niya', Tumingin ako sa kanya, "Kuya Raf nagbunga yung isang gabi na nangyari sa inyo ni Savannah kaya labis ang galit sa iyo ni Lambert" Sabi ko sa kanya habang umiiyak, Nakita ko ang laking gulat sa mukha niya' pero agad din itong napalitan ng kasiyahan, Lalo ako naiyak sa kasiyahan na nakikita ko sa kanya, Sabi ko na nga ba matutuwa si kuya pag nalaman niya na magkakanak na siya, Alam ko na mamahalin niya yung bata, Lalo ako napahagulgol ng iyak at bigla niya ako niyakap, "Ano ba yan stella ano bang nangyayari at iyak ka ng iyak!!" Tanong niya ulit sa akin, parang hindi ko kaya sabihin sa kanya na wala na yung bata, "Kuya Wala na yung bata!"" Hagulgol ko na sabi sa kanya, naramdaman ko ang bigla niyang hindi pagkilos, Para siyang naestatwa sa pagkakayakap sa akin, Naramdaman ko na tumayo siya at pinagsusuntok ang pader, Napatayo akong bigla sa ginawa niya, "Hayuup siya!!!! Ganun ba kalaki ang pandidiri niy sa akin para pati ang anak ko hindi niya matanggap!!!!" Nagugulat ako sa mga sinasabi niya habang akap ko siya na pinipigilan ang patuloy na pagsuntok niya sa pader, "Kuya hindi naman sigurado Kung kagustuhan niya na mawala ang bata" Sabi ko sa kanya na wala parin tigil ang pag iyak ko naaawa na ako sa itsura ni kuya, Umiiyak na din siya habang galit na Galit..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD