Sa kuwarto ako ni Manang natulog. hindi ako madalaw nang antok dahil iniisip ko parin si lambert. Nakauwi na Kaya siya? Hindi ko alam kung anong oras ako dinalaw nang antok habang iniisip si lambert. Dahil mataas na ang sikat ng araw ng magising ako. Kaya nag-madali ako tumayo para makapag-ayos na. Pagpunta ko sa kusina wala si Manang. pero nakapag luto na siya. bigla ko na naman naisip si lambert. Sigurado nasa manggahan na siya. bigla ko din naalala ang ibang gamit ko sa kuwarto ni lambert. lalo na ang mga personal na kasuotan tulad ng panty at bra dahil isang pares lang pala ang nadala ko kagabi. Nag-dalawang isip pa ako kung kukunin ko sa itaas. dahil sigurado na mag-aaway lang kami ni Anna. pero bahala na nga! Kaya naisipan ko na kunin na lang lahat nang mga gamit ko. Malapit n