Hinagis ko kay lambert ang brief na hawak ko pa pala. Lumabas ako ng kusina at iniwan na sila. Pero sinundan pala ako ni Anna. Dahil bigla niyang hinila ang braso ko para mapaharap sa kanya. Hindi ko napag-handaan ang sumunod na ginawa niya. dahil naramdaman ko ang biglang pagdapo ng palad niya sa kabilang pisngi ko. "Nakakalimutan mo yata stella kung ano ang pinag-usapan natin?" Nanlilisik na sambit niya sa akin. "Hindi ko nakakalimutan anna!! pero wala ako sinabi sa'yo na iiwasan ko si lambert hanggat nandito ako sa Hacienda! Kaya kung gusto mo mapadali ang pag-alis ko dito. ilabas muna agad si Savannah!!" Galit ko din na sagot sa kanya. Nakita ko sa likod ni Anna ang papalapit na si Lambert na nag-mamadali itong lumapit sa amin. "Ikaw naman ngayon ang bibigyan ko ng isang laro! Gu