"Saan kaba nagpu-punta ng ilang araw? kung isang beses ka lang nagpunta sa bahay niya?" Pagtataka na tanong ko "Lumuluwas ako ng maynila dahil gusto ko makakuha ng impormasyon kung bakit umalis si Savannah dito. Hindi ako nagpa-halata kay ashlem na hinahanap ko si Savannah" Tinignan niya ako saglit at hinalikan ako sa noo. at nagpatuloy siya sa pagkukwento niya. "Nalaman ko na wala si Savannah sa maynila at sa Canada. muli kong inalam ang lahat pati sa sulat na may lalaki na Pakakasalan si Savannah. Nalaman ko din na totoo nga iyon. pero hindi iyon alam ni Savannah at labis din na tinutulan ni daddy. pero naiipit si daddy dahil ang lalaki na gustong pakasalan si Savannah ay pamangkin ni Don Felife. Na siya ngayon na may malaking share sa pag-aari ng negosyo ni Abuela na mommy ni daddy