Sa Palawan....
KRING! KRING! KRING!
"Hello?" - Gabriel.
"Kuya! Huhuhuhuhuhu.... EMERGENCY!" - Trisha
"Huh? Anong emergency? Anong ibig mong sabihin?" - Gabriel.
"Si ate Krishmarie, kasi eh..." - Trisha.
"Anong tungkol kay ate Krishmarie mo?" - Gabriel.
"Kasi.... kasi... ano eh, paano ko nga ba sasabihin ito? Ano eh..." Trisha.
"Ano ba Trisha, please calm down first para masabi mo kasi kinakabahan na ako rito nang nabanggit mo ang ate Krishmarie mo. May nangyari bang masama sa kanya? Bilis na.. I'm on work pa naman," seryosong nag aalalang boses ni Gabriel sa kabilang linya.
"Nawawala si ate Krishmarie! Huhuhuhu..." naiiyak ng pagtatapat ni Trisha sa kabilang linya.
"Huh? What the hell? Prank ba iyan o biro? Hindi ka nakakatuwa Trisha. Umayos ka naman diyan!" pagalit na saad nito.
"Sa tingin mo ba nagpaprank lang ako rito? Sana nga nagpaprank lang ako noh kaso kasi hindi eh. Halos mabaliw baliw na ako rito kakahanap sa kanya. Buong araw na siyang nawawala ngayon. Narito na nga ako sa police station ng Palawan para humingi ng rescue," ngangatog na saad naman ni Trisha.
"Huh? Paanong nangyaring nawala siya? Bullshit! Sana pala nakinig ako sa kanya noon nang sinabi niyang hindi na rin siya sasama riyan. Sana hindi na lang kayo tumuloy. Kasalanan ko ito?!" pasigaw namang pagsasalita sa kabilang linya ni Gabriel.
Kasalukuyan namang may nagaganap na walk thru sa kanilang proyekto na kasama siya nang biglang tumawag si Trisha sa kanya na naroon pa rin sa Palawan. Iniinspeksyon nila ang ilang mga powerline na nagsipag putukan sa apat nilang mga proyekto sa iba't ibang lugar.
"Alam mo kuya, wala ng mangyayari kung sisisihin mo pa ang sarili mo eh tapos na. Ito na ang sitwasyon natin ngayon," - Trisha.
"Paano bang nawala si Krishmarie?" - Gabriel
"Kanina kasi namundok kami ni ate Krishmarie at pagkatapos niyon bigla na lamang siyang nagbago nang bigla siyang pumasok sa loob ng isang gubat na nadaanan namin. Para siyang wala sa kanyang sarili pagkatapos biglang humangin nang sobrang lakas. As in sobrang lakas. Nagkatumba tumba na nga ako eh saka siya biglang nawala na sa paningin ko. Nung nawala na iyong hangin na malakas ay saka ko siya hinanap sa kabuuan ng gubat kaso wala na siya," nanginginig na paliwanag ni Trisha sa kabilang linya.
"Ano bang sabi ng mga police diyan? Anong aksyon na ang ginawa nila?" - Gabriel.
"Ayun, patuloy pa rin silang naghahalughog sa kabuuan ng gubat na iyon. Natatakot ako kuya baka kinuha siya ng mga NPA rito. Huhuhuhuhu.. Balita ko ngayon ko lamang nalaman dito na may mga nagtatagong NPA pala malapit sa lugar na napuntahan namin. Sorry kuya kung hindi ko natupad ang promise ko na babantayan si ate Krishmarie para sa iyo. I'm sorry," umiiyak nang nakikipag usap si Trisha sa kabilang linya.
"Hintayin mo ako riyan, right on this day magtutungo ako gamit ang jetplane." Pagkatapos nilang mag usap ay agaran na nito pinatay ang kanyang phone. Tinapos na muna nito lahat ng kanyang transaksyon sa araw na iyon na may kinalaman sa kanyang work saka ito agarang nagpaalam sa presidente ng kanilang kumpanya. Kinagabihan ay dumiretso siya sa paliparan para ihatid siya sa Palawan gamit ang private jetplane na inarkila niya sa kaibigan niyang isang Milyonaryo.
Sa kabilang banda....
"Maaari ko bang malaman kung anong katawagan sa gamit na nariyan sa ating harapan?" katanungan bigla ni prinsesa Hayana kay Krishmarie.
Sumaglit muna sa kanyang sariling pamamahay ang nabanggit na prinsesa para kuhanin ang mga kakaibang gamit na natagpuan nito sa loob saka muli bumalik sa loob ng kweba. Sa mga pagkakataong ito ay naroon sila nakaupo parehas sa isang malapad na antik na lamesa nakaharap sa isa't isa.
"WOAHH! Hindi ko akalain na aabalahin mo pa ang iyong sarili na kunin ang lahat ng iyan para dalhin dito. Ipagpatawad mo talaga mahal na prinsesa kung nangahas ako pumasok sa loob ng bahay mo kanina pero I swear nagpaalam muna talaga ko. Paulit ulit akong tumawag kung may tao ba sa loob bago ako pumasok kaso wala namang sumagot. Sobrang lamig din talaga sa labas as in super lamig. Hindi ko kinaya ang lamig kasi nakalusong ako sa tubigan kanina eh. Super basang basa nga ako kaya napilitan akong pumasok na nang dali dali sa loob," todong paliwanagan na lang ni Krishmarie.
"Basang basa? Lumusong ka sa tubigan? Masyado palang kumplikado ang mga naganap sa iyo. Medyo malabo pa sa aking isipan ang lahat," mungkahi naman ng prinsesa.
"Ok sige, ako rin kasi halos shock pa sa lahat ng mga naganap sa akin ngayon as in super. Wait pala, pasensya na ulit kung nagjujump ako ng pagsagot. Ang tawag po pala rito sa gamit na ito ay isang DSL Camera. Don't worry po kasi pangcapture lang po ito/ picture ba. Hindi naman po ito harmful"-Krishmarie
"Maaari ko bang malaman kung saan ito nagmula? Taga karatig bansa ka ba?" Kakaiba sa aking paningin ang mga kagamitan na iyan maging itong kasuotan na ito. Wala pa akong napansin na naimbento ng ganitong kanipis na kasuotan sa aking bansa. Atsaka sa aking palagay ay ipinagbabawal pa nga ang maglantad ng sobrang balat sa labas lalo na ang ipakita mo ito sa madla. Ang ganoong klaseng pag uugali ay may kaakibat na kaparusahan sa aming bansa," ani naman ng prinsesa.
Sa pagkakarinig nang iyon ni Krishmarie ay bigla na lamang itong bahagyang natahimik. Sobra na siyang nagugulumihanan kung paano siya napunta sa ganoong lugar at taon. Sa kanyang pag iisip ay bigla pumasok sa kanyang isipan ang salitang taon kaya bigla itong muling nagsalita.
"Pasensya na mahal na prinsesa kung magtatanong muna ko sa iyo ah. Ano palang taon na sa lugar na ito?" - Krishmarie.
"1500 " - Prinsesa Hayana.
"WHATTTT??? Seryoso ka po ba? 1500?Oh my gosh!" - Krishmarie.
"Teka binibini, palagay ko'y hindi naman ako mukhang nagbibiro. Atsaka may problema ba? Bakit ata sobra kang nagulat?" - Prinsesa Hayana.
"Sa iyong sinabi mahal na prinsesa hindi pa nadidiskubre ni Magellan ang bansang Pilipinas. Ano ba itong napuntahan ko? Nagteleport ata ako sa ibang panahon nang hindi ko namalayan." Biglang napahampas sa lamesa ang mga palad ni Krishmarie kasabay nang biglaang pagtayo nito sa sobrang pagkagulat sa sinabi ng prinsesa sa kanya.
Hindi niya naiwasang tumingin sa kawalan saka paulit ulit kinakausap ang kanyang sarili na sobrang aligaga na sa kanyang sitwasyon.
"Teka binibini, wala ka pang sinagot sa aking mga naitanong na sa iyo kanina. Anung hindi pa nadidiskubre ni Magellan ang bansang Pilipinas? Hindi ko alam na may bansang Pilipinas pala. Iyon ba ang iyong pinanggalingang lugar? Ang bansang Pilipinas?" tanong muli ng prinsesa.
"Hindi ninyo po alam ang bansang Pilipinas? Oh my gosh?! Really! Is it real? Nasa fantasy ba ako? Bakit ganoon? Ano po palang lugar ito?" sobrang shock pa rin na kasagutan ni Krishmarie na halos manigas na sa kanyang kinakatayuan.
"Ito'y bansang Joseon" - Prinsesa Hayana.
"Huh? Bansang Joseon? Teka lang anong bansa yun? Para atang wala naman sa lists ng Globe ang bansang Joseon. Sandali nga lang isip isip muna ko hehe. Ang hirap naman mag isip! Bakit ba kasi no'ng mga panahon na nag aaral ako ng history noon para akong bangag o wala ata sa sarili kakagimik ko sa bar tuwing gabi eh. Nagiging mahina na tuloy ang kokote ko sa Globe History. Ang boba mo naman Krishmarie! Isip!" Patuloy lamang kinakausap ni Krishmarie ang kanyang sarili at hindi na niya naiwasang tumalikod saglit habang nagsasalita ito para maitago sa prinsesa ang kabaliwan na ginagawa na niya sa sarili niya sa mga oras na iyon.
Kasabay niyon ay panay ngisi din ang kanyang ginagawa habang pahapyaw na sumisilay sa prinsesa.
"Naku binibini ok ka lang ba? Mukha atang hindi na maganda ang iyong kalagayan dahil sa mga naganap sa iyo kanina. Marahil kailangan mo muna kumain para mahimasmasan ka dahil nag iiba iba na ang inaakto mo sa akin ngayon. Sandali lang ha at hayaan mo akong ipaghanda kita ng makakain mo." Paalis na sana ang prinsesa sa kanyang pwesto nang biglang nagsalita muli si Krishmarie.
"Naku! Mahal na prinsesa mali ang iyong inaakala. Baka iniisip mo na nababaliw na ako ah o isang baliw. Nagkakamali ka rin pero parang nagsisimula na hehehhehe.. Nakakatuliro talaga kasi ang mga nangyayari sa akin ngayon. Alam mo po ang totoo niyan, galing ako sa taong 2024. Kumbaga galing ako sa future. Nagteleport ako nang hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Time traveling ba. Pero ang nakakashock eh. Ibang lugar ata itong napuntahan ko. Hindi sa bansang Pilipinas. Kaya pala mula pa kanina kakaiba na ang mga nakikita ko na suot suot ng mga tao sa labas. May mga karwahe at mga kabayo na existing palang sa lumang panahon. Sandali.... oh my gosh! Naalala ko na! Ang bansang Joseon ay katawagan sa bansang Korea noon! Tama! Nasa bansang Korea pala ko! "-mahaba habang pagsasalaysay ni Krishmarie sa prinsesa na sobrang nakatitig lang sa kanya at nashoshock na rin sa mga sinasabi niya.