"Naku po! Pasensya ka na kuya hehe... kaso kailangan ko talaga gawin ito...." Habang umaatras si Krishmarie ay hinahatak niya ang sundalong ginamit niya bilang kanyang hostage.
Nang nakaabot na siya sa bungad ng iskinita ay saka naman niya itinulak nang pagkalakas lakas ang lalaking hawak hawak niya sa mga sundalong sumusunod sa kanila. Tumilapon ang nasabing lalaki sa mga nakasunod na sundalo saka sila bumagsak sabay sabay sa lapag.
"AHHHHHH!"
Walang anu ano'y kumaripas naman ng takbo si Krishmarie sa kung saan saan hanggang sa bigla na lamang itong sumuot sa isang bukas na kwarto roon. Pagkapasok nito'y saka naman niya mabilisang sinirado ang nasabing pintuan.
Sa kabilang banda, sobrang hapo ito at hingal na hingal dahil sa kanyang pagtakbo nang sobrang tulin.
"Hala! Mahal na prinsesa ikaw ho ba iyan? Kasalukuyan na hong nagaganap ang inyong itinakdang kasal. Ano po ang iyong ginagawa? Bakit ho ba kayo narito ngayon?" pagkasambit ng isang babaeng utusan sa loob ng malaking kastilyong iyon.
"SSSHHHHH!" Ate ahmmmm... quiet ka lang huh? Please lang teh kasi kasi ahmmm... it's a long story kung ngayon pa ako magkukwento sa'yo. Hmmmm.. teka nga lang, I have an idea! Tama! Mukhang maganda yung damit mo ate ah.. Gusto mo bang magswap tayo ng kasuotan? " agaran namang suhestiyon ni Krishmarie sa kanyang kausap ng mga sandaling iyon.
"Ano po ang ibig ninyong ipakiwari?" malalim na pagtatakang sagot ng kausap nito.
"Basta teh, just leave it to me. Ako na ang bahala sa lahat." Pagkatapos sabihin nito ng nasabing babae ay hindi niya naiwasang kumindat sa kausap sa kanyang pagkatuwa.
Lumipas ang saglit na katahimikan, agaran namang pinagpalit ni Krishmarie ang kasuotan nilang dalawa. Buti na lang ay masunurin namang sumusunod sa kanya ang utusan sa mga oras na iyon.
Mabilisang umiskapo si Krishmarie sa loob ng kwartong iyon na iniwang nagtataka sa kanyang sarili ang nasabing utusan. Maya't maya'y biglang nagsipagpasukan sa nasabing munting kwartong iyon ang ilang mga sundalo.
"Narito na ang prinsesa! Nakita na namin siya!" Sigaw ng isang sundalong unang pumasok na sinundan ng dalawa hanggang sunod sunod na mga sundalong nagsipag pasukan na rin. Pagkaraan pa ng sandali, sumunod na rin ang kanilang Heneral saka ito mabilisang lumapit sa nakatalikod na babaeng nasa kanilang harapan.
Bigla nito hinawakan ang kaliwang balikat ng nasabing babaeng nakasuot ng pulang kimonong pangkasal saka ito biglang humarap ng sobrang nanginginig at takot na takot.
"Sino kang tampalasan ka! Ikaw nga ba talaga ang inaasahan naming prinsesa?" galit na pagtatanong ng heneral na malalim at seryosong nakatingin sa kausap.
"Hindi po mahal na heneral... Isa lamang akong hamak na utusan dito sa loob ng ating kaharian." pagtugon ng utusan.
"Kung gayon, bakit mo suot suot ang kasuotan ng mahal na prinsesa?" - Heneral
"Inutusan lang niya akong magpalit kami ng kasuotan saka huwag daw akong magsalita," nanginginig na pagtugon ng utusan.
"Anak ng pating! Nasa'an na siya sumuot ngayon? Magsabi ka na kung ayaw mong maparusahan!" galit na tono nito.
"Hindi ko na ho alam. Basta yun lamang ang kanyang sinabi at pagkatapos niyon ay agaran na siyang lumabas ng kwartong ito. Nagsasabi po ako ng totoo," mangingiyak ngiyak na saad nito.
Pagkaraan ng ilang sandali, biglang dumating at nakisali si prinsipe Rushmir.
"Nasa'n na ang mahal na prinssesa? Ano bang kaguluhan ang nagaganap ngayon?" ani ng nasabing prinsipe.
Sa mga pagkakataong iyon ay nagulat ang lahat sa dumating na maharlika at nagsipagluhuran ang lahat ng sundalo kasama na ang heneral at ang utusan.
"Bakit suot suot mo ang damit pangkasal na yan? Isa kang tampalasan at mapagpanggap!" mariing sigaw na pagalit ng nasabing prinsipe na nakatingin ng diretso sa utusan.
"Patawad ho mahal naming prinsipe. Ako'y napag utusan lamang at pwersahang pinilit ng mahal na prinsesa na magpalit daw kami ng kasuotan. Patawad ho patawad ho subalit wala po akong magawa kanina huhuhuhuhu," nanginginig na pakiusap at pagmamakaawa ng nasabing utusan habang nakaluhod ito sa paanan ng prinsipe.
"Kung gayon, nasa'an na siya nagtungo ngayon? Heneral ano pa ba ang tinutunganga ninyo rito? May mangyayari ba kung tatambay na lamang kayong lahat dito?!" angil na nanlalaki na ang mga mata ng galit na prinsipe.
Nagmadaling nagsipaglabasan lahat ang lahat ng sundalong nasa loob ng kwartong iyon gayundin ang heneral saka sila nagtiyagang halughugin pa ang kabuuan ng kaharian para hanapin ang tumakas na inaakala nilang prinsesa.
Sa kabilang banda...
"Naku po Lord! Help me paano na? Sa'n na ko susuot nito para makalabas sa bulwagan ng kastilyong ito? Tulungan ninyo akong makaisip ng paraan oh Lord! Huhuhuhu," paulit ulit na usal ni Krishmarie sa kanyang sarili habang panaka naka pa rin siyang sumisilip mula sa likod ng malaking puno di kalayuan sa kaharian. Naroon lamang siya pansamantalang nakakubli sa likod ng puno habang nag iisip ng susunod na hakbangin na kanyang gagawin.
Pagkaraan pa ng ilang sandali ay may biglang humablot sa kanyang kanang balikat na nagmula sa kanyang likuran.
"Teka anu yun?!" pagtatakang sambit na lamang ni Krishmarie at biglaan siyang lumingon sa kanyang likuran subalit bigla na lamang din na tinakpan ang kanyang ilong at bibig nang sinuman saka sila biglang parehas na natumba sa lupa at nagpagulong gulong dahil may pagka slide pala ang slope ng lupa malapit sa likuran ng puno na kanyang pinagtaguan.
Kalaunan ay parehas silang sumuot sa mababaw na malawak na putik na kinaresulta ng pagbabago ng kulay ng kanilang mga kasuotan gayundin ang kanilang mga mukha.
Nang nahimasmasan na sila parehas mula sa kanilang pagkagulong ay napasigaw ng malakas si Krishmarie sa taong nakapatong sa kanya sa mga sandaling iyon.
"Who the hell are you?! Are you kidnapping me?!" pasigaw na sambit ni Krishmarie sa kausap.
Sinakmal muli ng estrangherong tao ang bibig ni Krishmarie saka nito pinigilang magsisisigaw muli.
"Hindi ko man mawari ang mga lenggwaheng iyong binabanggit subalit ako'y nakiki usap na manahimik muna saglit at baka tayo ay mahuli ng mga sundalo sa paligid. Marami akong gustong malaman mula sa iyo subalit hindi ito ang tamang lugar para tayo ay mag usap ng masinsinan tungkol diyan," bungad kaagad ng kausap nito habang nakadagan pa rin sa kanya.
Patuloy pa ring nagpupumiglas si Krishmarie saka biglang may sumita sa kanila nang susubukan ulit sana magsalita ng kausap ni Krishmarie.
"Hoy ginoo! Anong ginagawa mo riyan sa iyong kasama? Bakit nakasampa kayo sa loob ng putikan?" sigaw na pagsita ng sundalong dumaan sa gilid ng kanilang kinaroroonan.
"Ah, pasensya na ho.. Tinulungan ko lamang na makabangon ang nahimatay kong asawa na natalisod saka napabagsak dito sa putikan. Sa kanyang kabigatan ay pati ako rin ay napabagsak na rin dito sa putikan kasama siya. Pasensya na ho," malalim na boses na bigkas ng estranghero sa mga sundalo. Habang nagsasalita ito ay sumusubok itong sumilay kay Krishmarie para magbigay ng senyales na sumunod sa kanyang sinasabi.
Kalaunan ay napasunod nga ito saka siya nagpatay p*****n na nakalihis sa ibang direksyon ang kanyang mukha mula sa mga sundalong dumaan.
"Hoy ginoo, ano bang iyong ginagawa at ikaw ay nakikipag kwentuhan pa sa mga ordinaryong tao na iyan? Nakalimutan mo bang may hinahanap tayo? Hala sige at magsipaglakad na tayo nariyan na ang heneral palapit sa atin." sita naman ng isa pang dumating na sundalo sa kapwa niya sundalo.
Pagkaraan ng ilang sandali ay nilisan na nila sila na nakasalampak pa rin sa putikan. Lahat sila ay nagmamadaling tumakbo para maghalughog sa buong kaharian.
Mabilisan namang tinulungan ng estranghero si Krishmarie na makabangon mula sa putikan saka siya inalalayan ito patungo sa kanyang kabayo na nakatayo di kalayuan sa kanilang area. Nang nakasampa na sila ay mabilisan na silang umalis sa lugar na iyon. Ang taong tumulong sa kanya ay walang iba kundi si "prinsesa Hayana."
Sa buong naging paglalakbay nila ay ay nanatili lang silang tahimik sa isa't isa. Dinala ni prinsesa Hayana si Krishmarie sa isang sikretong kweba malapit sa kanyang tahanan. Pagkababa nila ay itinali lang muna ni prinsesa Hayana ang kanyang alagang kabayo sa isang malaking puno malapit sa pintuan ng kweba saka niya inakay papasok sa loob si Krishmarie.
"Ahhmmmm.... ahhmmmm... Teka lang kuya wait lang ho hehehe hmmmm kanina naintindihan ko nung bigla mo akong pinagtakpan sa mga dumaan na sundalo sa ating harapan nung parehas tayong lublob sa putikan na mukhang harmless ka at parang wala ka naman balak na ipahamak ako kaso sa mga sandaling ito mukha atang I'm in danger na hehehe kuya bakit mo ko gustong pumasok diyan?" Anong binabalak mong gawin sakin?" takot na takot na pagtatanong ni Krishmarie sa taong nasa kanyang harapan habang hinahawakan nito ang kanyang noo at kanang beywang na sobrang balisa at umaatras na siya nang dahan dahan palayo sa kanyang kasama.
"Huwag kang matakot binibini hindi ako masamang tao. Naiintindihan ko na sobra kang natatakot ngayon kasi bigla kitang dinala rito sa masukal na lugar na walang pasabi. Huwag kang mag alala dahil wala akong binabalak na masama sa iyo. Atsaka, anong ibig mong ipakiwari na nang paulit ulit mo akong tinatawag na "Kuya" Anong klaseng lengwahe iyon?" tugon naman ng kausap nito.
"Huh? Kuya? You don't even know what it means? Ok ahmmmm... Kuya ibig sabihin ay tawag sa estrangherong lalaki o mas nakakatandang lalaki bilang pagrespeto. Ganun ho. Tatawagin ko talaga kayong kuya kasi lalaki ka at ako ay isang babae," pagtugon naman ni Krishmarie.
Pagkalipas pa ng sandali ay bigla itong nagtanggal ng suot suot nitong malapad na sumbrero kasabay ng pagkakatanggal nito ng kanyang nakapusod na buhok. Nalaglag mula sa kanyang balikat ang mahaba nitong buhok sinabayan pa ng pag ihip ng malakas na hangin na lalong kinatingkad ng kagandahan ng aura nito saka niya sinabayan na tanggalin ang suot suot nitong isang pekeng bigote.
"What the hell? Isa ka palang babae? And very gorgeous ah. Extravagant beauty just like me. Ow wow! Really? Babae ka pala po bakit ka nagpanggap na lalaki kanina?" sobrang pagkamanghang saad bigla ni Krishmarie. Sa mga pagkakataong ito ay tuluyan ng nawala ang takot nito sa sarili.
"Saka ko lahat ipapaliwanag sa iyo pero kailangan muna natin magtago sa loob ng kwebang ito. Panigurado akong babalik muli rito ang mga batalyon ng sundalo na iyon para magsaliksik ukol sa akin,"mungkahi naman ni prinsesa Hayana.
Kalaunan, nakapasok na nga ang dalawang binibini sa loob ng kwebang iyon.
"Wow, kakatuwa naman ang mga antik na bagay na nakikita ko ngayon dito sa loob ng kwebang ito. Para ka pa ring nasa loob ng isang munting tahanan subalit sobrang kakatuwa at kakaiba ang mga kagamitan dito," sobrang pagkamanghang banggit ni Krishmarie habang nililibot nito ang kabuuan ng loob ng kwebang iyon sabay hinahawakan ang mga antik na pigura, mga nakadisplay na iba't ibang kagamitan sa loob.
Habang busy ito sa pag iinspect ng mga gamit sa loob ay abala rin si prinsesa Hayana na apuyan ang mga nakatambak na kahoy sa gitna ng malaking palangganang bakal para mas lumiwanag sa loob.
"Bago ang lahat, nasa'an pala ang sinuot mong damit na pangkasal kanina? Mukha atang nagbago na bigla ang iyong kasuotan ngayon. Hindi ba ikaw ang hinahabol ng mga sundalo kanina?" seryosong katanungan kaagad ng prinsesa sa abala na si Krishmarie. Nakatingin ito ng diretso sa kanyang harapan.
"Huh? Ah eh, ayun naisip ko lang naman na makipagpalit sa babaeng nakita ko kanina sa loob ng kastilyong iyon. Para sana lumihis ang atensyon ng mga sundalong iyon at mas mapadali ang pagtakas ko. Halos nawawalan na nga talaga ako ng pag asa kanina kasi sa sobrang lawak at laki ng napasukan kong lugar eh hindi ko alam kung sa'n ako susuot. Piling ko katapusan na ng buhay ko kung mahuhuli kaagad nila ako. Pero para atang kadikit ko ang swerte kasi bigla mo akong sinagip kanina sa lugar na iyon. Thank you very much Ms. Ah.... super hero ka talaga sa pagliligtas sa akin kanina." Sa sobrang pagkatuwa nito ay halos naglulundag ito at patakbo na nagtungo sa kanyang babaeng kausap saka niya itong niyakap nang mahigpit at saka hinawakan ang dalawang mga palad nito bilang pagpapakita ng pagpapasalamat sa kanya.
"Sa'ng lugar ka pala nanggaling? Bakit bigla ka na lamang pumasok sa aking tahanan kanina?" seryosong tanong bigla ng babaeng kaharap ni Krishmarie. Ito'y nakatitig lamang sa kanya nang sobrang seryoso.
Sa mga pagkakataong iyon, ay biglang nanahimik si Krishmarie, nag isip ito nang malalim habang nakatitig na walang kakurap kurap sa kausap hanggang sa bigla na lamang nanlaki ang mga mata nito nang maintindihan na nito ang kanyang sinasabi.
"Oh my gosh! Ikaw ba iyong nakatira sa bahay na napasukan ko kanina? Ibig sabihin ikaw ang prinsesang pinaghahanap talaga ng mga sundalong humahabol sa akin kanina pa?" Biglang napaluhod si Krishmarie sa paanan ng babae na sobrang takot na takot. Nagsimula na niyang maramdaman ang panginginig ng buo niyang kalamnan. Kinabahan na siya ng todo kung kaya't nagmakaawa na ito ng todo sa kanya.
"Nako po mahal na prinsesa, I am really really sorry sa kaguluhan na naihatid ko sa araw na ito. I am very sorry dahil sinira ko ang wedding day mo. Sorry sa pagiging gate crasher ko. Nasira ko ang moment mo na sana ay ikaw ang naroon at masaya ka na sana na kinakasal sa prinsipe mo. Patawad po please mahal na prinsesa. Please don't kill me or imprison me dahil sa kahangalan ko. Marami pa akong pangarap, babalik pa akong Amerika kasi naka vacation leave lang ako eh. Magpapakasal pa kami ng Gabriel ko so please spare me princess huhuhuhuhuh.." mangingiyak ngiyak na pagmamakaawa ni Krishmarie na nakaluhod sa paanan at nakayakap na rin sa mga binti ng dalaga sa sobra nitong takot.
"Huh? Nako ho binibini huwag mong gawin iyan. Huwag kang lumuhod. Halika nga't tutulungan kita na makatayo. Ako pa nga ang sobrang magpapasalamat sa iyo dahil sa nangyaring iyon." Tinulungan ni prinsesa Hayana na makatayo si Krishmarie mula sa pagkakaluhod nito.
"Really? Hindi ka galit? Remember princess na wedding day mo ngayon."