Si Trish na ang susunod na lalabas sa runway. Hindi naman siya kinakabahan. She's used to big events like this. She's Patricia Tuazon, kilalang fashion model. Walang pag-aalinlangan niyang tinahak ang catwalk at binida ang suot na gawa ng isang sikat na designer.
Pero ganoon nalang ang naramdaman niyang panlalaki ng mga mata nang makita at makilala ang lalaking nakahalo sa audience. Saglit din itong mukhang natigilan nang magtagpo ang kanilang mga tingin ngunit agad din nakabawi. He was seated in the front seats, kaya madaling napansin ni Trish ang lalaki.
Trish swallowed a bit, bago tumalikod para makabalik sa backstage. Nasapo pa niya ang dibdib nang tuluyang mawala sa paningin ng mga tao sa labas.
"Hey, are you okay?"
Nag-angat siya ng tingin at nakita ang kapwa niya modelong si Ara. Trish can see worry on her pretty face.
Tumango si Trish na kinakalma pa rin ang sarili. She tried let out a smile. "Yes. Thank you." aniya kay Ara.
Hindi niya alam kung bakit ganito nalang ang kaniyang reaksyon. Maybe because after more than a month now ay hindi niya inaasahan na makikita niya uli ang lalaki. Naramdaman ni Trish ang pangungunot ng sariling noo. So what, Patricia?! Ano naman ngayon kung may nangyari sa inyo ng lalaking 'yon?! Gusto niyang irapan ang sarili sa pag-iinarte.
"Masama na naman ba ang pakiramdam mo?" sinundan siya ni Ara.
Bumaling siya sa kasamahan at ngumiting muli sa kitang sincere na pag-aalala nito. Pagkatapos ay umiling siya. "Hindi naman. Ayos lang ako. Thanks for the concern."
Ilang beses na rin kasing nasaksihan ng mga kasama niya sa trabaho ang madalas na pagsama ng kaniyang pakiramdam nitong mga nakaraang linggo, kahit habang nasa mga rehearsals siya. Minsan nga ay nahihilo rin siya na sinusubukan nalang niyang hindi ipahalata. Hindi nga rin niya maintindhan ang sarili. Sa umaga ay madalas nagsusuka rin siya. At halos nasisira na rin ang kaniyang diet because of her weird cravings. Hindi naman siya 'yong tipo ng tao na palakain. Hindi siya maka-food is life. Hindi siya nahihirapan mag-diet noon pa man dahil hindi talaga siya palakain at mapili rin sa pagkain. Kaya nakakapagtaka na parang bigla siyang nahilig sa mga pagkain ngayon.
Tumango si Ara. Parang naibsan ang pag-aalala sa mukha nito. "Sige..."
May sasabihin pa sana ito ngunit tinawag na rin si Trish ng isang staff doon sa backstage. "Miss Patricia!" tawag sa kaniya ng isang gay na staff.
"Excuse me." maagap siyang nagpaalam kay Ara at pinuntahan na ang kaniyang makeup artist para sa konting retouch bago muling lumabas sa ramp.
Hindi alam ni Trish kung dahil ba sa kaalamang naroon lang ang lalaki at mapapanood siya kaya parang sumama na nga bigla ang kaniyang pakiramdam. Nevertheless, she still managed to carry herself. Ngayon pa ba siya papalpak? Inisip niyang huwag nalang pagtuunan ng pansin ang presensiya ng lalaki.
Ngunit hindi pa man nakakatalikod sa audience para muling makabalik sa backstage ay tuluyan na siyang inatake ng sobrang pagkahilo. Natigilan siya at napahawak sa ulo. Her eyes met his at bago pa man tuluyang nagdilim ang kaniyang paningin ay nakita niya ang pagtayo nito...
Nagising nalang siya at agad nilibot ang tingin sa paligid. She saw Camille na naabutan niyang kausap ang isang doktora base sa suot nitong doctor's robe. I'm in a hospital? She asked herself.
Binalikan niya ang mga huling naalala. She was in a catwalk when she suddenly lost consciousness... Mariin siyang napapikit. Siguradong trending na siya ngayon. She can already imagine and read the headlines in her head.
"Patricia..." nakita ni Camille na gising na siya. Maagap siya nitong nilapitan kasunod ang doktor.
"Uh, what happened?" she still asked, kahit natatandaan naman niya ang pagkahimatay kanina.
"Nahimatay ka... Are you okay now? How are you feeling?" nag-aalalang magkasunod na tanong ng kaibigan sa kaniya.
"I'm fine, Camille. Bakit daw ba ako nahimatay?"
Nagkatinginan ang kaniyang kaibigan at ang doktor. She waited for their answer. Bumaling sa kaniya ang doktora. "Congratulations, hija! You are pregnant!" anang doktora.
May sinasabi pa ang doktor but her jaw already dropped. Pregnant... Halos hindi mag-sink in sa kaniya ang salita. Pakiramdam niya ay hihimatayin siyang muli sa binalita ng doktor. Kaya naman napahawak siya sa kaniyang ulo. Maagap naman siyang dinaluhan ni Camille.
"Patricia," Camille held her. Kumapit naman siya sa kaibigan para kumuha ng lakas na nilulubayan na yata siya.
What the hell? Halos matulala nalang siya. Hindi niya malaman ang gagawin. What will happen to her career? What will she tell everyone? How will she explain this to her parents? Mabuti nalang at wala ang mga ito dahil nasa isang business trip ang Daddy niya at sumama naman ang kaniyang ina.
"Miguel Irizari..." ani Camille habang nakaharap sa hawak nitong cell phone.
"What?" kunot noo niyang baling sa kaibigan. Noong isang araw pa siya nakalabas sa ospital at nandito ngayon sa apartment ng kaibigan para tumambay. Hindi na rin muna siya nagtrabaho dahil iyon din ang payo ng doktor sa kaniya. Medyo sensitive rin yata ang kaniyang pagbubuntis. Ang dami niya tuloy naiwang trabaho. Mukhang masisira na ang kaniyang modeling career. Siguro ay tutulong at magtatrabaho nalang talaga siya sa family business nila.
Bumaling sa kaniya si Camille. "Iyon ang pangalan ng lalaking unang dumalo sa 'yo sa runway nang matumba ka doon at nawalan ng malay. Siya din ang naabutan kong nagdala sa 'yo sa ospital."
Lumapit pa sa kaniya si Camille para ipakita ang litrato ng sinasabi nitong lalaki. Her eyes automatically widened.
"Oh my gosh! Don't tell me..." agad na nag-react ang kaibigan niya sa nakitang reaksyon sa mukha niya when she saw the image.
Pilit niyang kinunot ang noo at inirapan ang kaibigan.
"Come on, Trish!" pasalampak itong naupo sa tabi niya. "Sabi mo ay hindi naman si Engineer Singson, na akala ko nga ay tuluyan mo nang napikot." bahagya pa itong napatawa. Sinamaan niya ito ng tingin. Ngunit inirapan lang siya ng kaibigan at nagpatuloy. "Hindi din naman si Louie, e siya ang alam kong huli mong naging ex!"
Her phone rang bago pa man niya masagot ang kaibigan. It was a call from her mother. Agad na kumalat ang kaba kay Trish. Tumayo siya at iniwan na muna ang kaibigan para sagutin ang tawag. "M-Mom," halos pumiyok ang boses niya pagkasagot sa tawag.
"Patricia!" Lalo siyang binalot ng matinding kaba sa malakas na bungad ng kaniyang ina. "How are you, anak? Sinugod ka raw sa ospital! Your Dad and I already booked our flight. Pauwi na kami. What happened? Are you all right? Nasaan ka ngayon? We are so worried, anak!" Halos hindi magkanda-ugaga ang kaniyang ina sa kabilang linya.
Trish felt a bit of relief. At least hindi pa siya tinatanong ng ina kung buntis nga ba siya. Ang alam pa lang nito ay na-ospital siya. Siguro ay hindi pa umaabot sa kaniyang mga magulang ang kumakalat na rumor tungkol sa kaniya. Siguro ay trending na talaga siya ngayon. Hindi na nga rin muna siya nagbubukas ng social media dahil baka sumama lang ang pakiramdam niya at mahilo at magsuka. Pagod na siyang magsuka. Pakiramdam niya nasusuka na rin niya pati ang laman loob niya. Ang hirap palang magbuntis.
"I-I'm okay, Mom," she slowly heaved a sigh. "Nakalabas na po ako ng hospital. Sorry po hindi ko agad nasabi sa inyo ni Daddy..."
"We'll talk once we're back. Are you sure you're all right?" anang kaniyang ina. Naroon pa rin ang labis na pag-aalala para sa kaniya.
Maliit na napangiti si Trish sa pag-aalala ng ina. Ngunit nalungkot din. Halos hindi pa rin siya makapaniwala na buntis na nga siya. Ano na ang mangyayari... How about her career as a model? Paano niya maipapaliwanag ang pagbubuntis? Lalo sa parents niya. Tapos wala pa siyang boyfriend. Ano ang mangyayari sa magiging anak niya... She's really confused as if about everything right now. Parang hindi na rin niya malaman ang gagawin. Basta naguguluhan pa talaga siya.
"Yes, Mommy, I'm fine. Dala lang po 'yon ng pagod sa trabaho..." she bit her lower lip. She knew she's lying already.
Binaba ni Trish ang phone niya matapos ang tawag. Ilang sandali pa siyang natulala roon. Hindi na nawala ang kabang nararamdaman niya lalo at pauwi na ang kaniyang mga magulang. Ilang araw na ang dumaan mula nang malaman niyang nagdadalang-tao siya... Ngunit hanggang ngayon ay natutulala pa rin talaga siya at hindi malaman ang gagawin... Biglang pumasok sa isip niya ang pangalang binanggit kanina ni Camille.
Miguel Irizari... Iyon ang pangalan ng lalaking 'yon. Iyong lalaking naka-one night stand niya. Ang lalaking 'yon na ama ng anak niya. Hindi alam ni Trish kung lalapit ba siya sa lalaki para sabay nilang harapin itong naging bunga ng nagawa nila. Tutal ay silang dalawa naman ang gumawa nito. But what if he has a girlfriend? Then that means he's a cheater? He cheated on his girlfriend with her?! Kung ganoon ay hindi pala mabuti ang lalaking iyon. Siguradong hindi rin makakabuti sa kaniya. Sa kanila ng baby niya... Mas mabuti pa sigurong maging single mother nalang siya...
Nagbuntong-hininga nalang si Trish.
Ano ba itong nangyayari sa kaniya.
"He's the CEO of a big company!" pagpapatuloy ni Camille sa research nito nang makabalik si Trish sa tabi ng kaibigan matapos ang tawag ng ina.
Sumimangot siya. "Stop it, Camille." saway niya sa kaibigan.
Inirapan lang siya nito.
"You told me na ang lalaking 'yon ang nagdala sa akin sa ospital?" natanong niya nang maalala.
Bumaling sa kaniya si Camille at bahagya siyang pinagtaasan ng kilay. "Oo,"
Patricia gasped when she thought of something. Nalaman din kaya ng lalaki na buntis siya? Kung ito nga ang nagdala sa kaniya sa ospital nakausap din kaya nito ang doktor na tumingin sa kaniya? Sinabi rin ba ng doktor sa lalaki na buntis nga siya? "Does he know?" She can feel her eyes widening.
"Know what?" Bahagyang nangunot ang noo ni Camille.
Trish sighed exasperatedly. "That I am pregnant!"
Namilog ang bibig ni Camille. "Oh... well," umiling ito. "he left the moment I arrived. Ako lang din ang nakausap ng doctor." anito.
Nagbuntong-hininga si Trish. Nagkatinginan sila ni Camille at umiwas lang siya ng tingin. Pati sa kaibigan niya ay halos hindi rin malaman ni Trish kung paano magpapaliwanag... This is really unexpected. Kahit siya ay hindi inasahan na balang-araw ay mangyayari ang ganito na mabubuntis siya at walang ama ang baby niya...
Parang ngayon lang din naramdaman ni Trish na hindi pa pala siguro siya handa... Akala niya noong binalak niyang pikutin si Engineer Greg ay ayos lang at handa na rin siyang magbuntis. But now that it's here she felt like she's chickening out. She's feeling... scared, to be honest. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya. Kung ano pa ang mangyayari...
"Patricia..." mahinang tawag sa kaniya ni Camille na kinabaling niya muli ng tingin sa kaibigan. Nagkatinginan sila, and Camille looked serious. Trish bit her lower lip. Alam na niya ang tinging pinupukol sa kaniya ng kaibigan. At parang alam na rin niya ang sunod nitong sasabihin o itatanong sa kaniya. "Is he?" Camille asked. Tinatanong nito kung iyong lalaki nga na ngadala sa kaniya sa ospital ang Daddy ng baby niya.
Ilang sandali pa siyang nanatiling nakatingin lang sa kaibigan bago muling nagbuntong-hininga. Unti-unti siyang tumango sa tanong ni Camille.
Parang eksaherado namang suminghap si Camille sa kinumpirma at inamin niya. "B-But how? I mean, ngayon ko lang 'ata nakita ang lalaking 'yon. I haven't seen you with him before?"
"One night stand." tila pagod na niyang nasambit.
Muli na lang napasinghap si Camille.
Halos buong araw yata siyang nasa bahay lang ng kaibigan. Hindi na rin siya gaanong kinulit ni Camille kalaunan.
The next day ay maagang dumating ang mga magulang niya. Pinasundo niya ang mga ito sa airport while she stayed and wait at their home. Siya pa mismo ang nag-prepare ng kanilang breakfast.
Ang totoo niyan ay kabado siya. She's pregnant. She's pregnant! And she honestly doesn't know what to do. Alam niyang hindi niya ito maitatago ng matagal. Lolobo din ang kaniyang tiyan soon. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng kaniyang mga magulang? And how and when will she tell them anyway? And how about her modeling career? Goodbye sexy body na nga ba siya and hello stretchmarks? Hindi pa rin talaga lubos na maisip ni Trish.
Ang kaalamang mahal na mahal naman siya ng kaniyang mga magulang ang nagpapanatag sa loob niya. Sa kabila ng labis na nararamdamang kaba. Wala na siyang ibang maisip. She's not used to lying to her parents, too. Lumaki siyang palagi naman siyang pinagbibigyan ng mga ito sa lahat ng naisin niya, kaya ano pa ang halaga ng pagsisinungaling? Kaya lang ay naroon parin ang takot niya sa magiging reaksiyon ng mga magulang.
Naririnig na ni Trish ang pagdating ng parents niya kaya lumabas na muna siya mula sa dining area para salubungin ang mga ito. Sinalubong niya ng malaking ngiti ang Mommy at Daddy niya.
"Mom," yumakap siya sa kaniyang ina na mahigpit ang sinalubong na yakap sa kaniya. Ganoon din ang kaniyang ama.
Giniya niya ang mga ito sa mahabang hapag kainan. Naupo sa kabisera ang kaniyang ama at magkaharap naman sila ng kaniyang ina sa mesa. Nagsimula silang kumain ng agahan. Pero nagkaroon ng katahimikan. Silence that she's not used to. Madalas kasi kapag nasa hapag silang tatlo ay nag-uusap naman sila, nagkakamustahan at hindi ganito na hindi na kumportable si Trish sa katahimikan. She knew there's something going on her parents mind.
Nagkatinginan sila ni Trish at ang Mommy niya na kita niyang hindi na rin makakain ng maayos at mukhang may sasabihin.
"Ayoko sanang buksan ito sa harap ng pagkain, but I'm sorry this can't wait." anang kaniyang ina makalipas ang ilang sandali na nasa hapag silang tatlo. Seryoso ito, na madalang lang mangyari dahil palagi lang naman itong malambing lalo na sa kanila ng kaniyang ama. May ilang katulong kanina na nakatayo sa tabi at naghihintay sa utos ngunit pinaalis muna ito ng kaniyang ina.
Bumaling siya sa kaniyang ama na kanina niya pa napuna ang katahimikan at kaseryosohan. Nakatuon lamang ito sa pagkain. Dumoble lalo ang nararamdaman niyang kaba. Tuluyan na siyang nahinto sa pagkain at marahang nabitawan ang hawak na kubyertos. Bumaling muli si Trish sa kaniyang ina. "W-What is it, Mommy?" she nervously asked.
Ilang sandali silang nagkatinginan lang ng kaniyang ina bago ito muling nagsalita. "I've been hearing and reading these rumors na maaring buntis ka raw kaya ka hinimatay sa catwalk." seryosong anito na sumulyap din sa kaniyang ama.
Napalunok si Trish nang masulyapan din ang ama na nagpupunas na ng bibig gamit ang table napkin at mukhang tapos na yatang kumain. Tumingin siyang muli sa kaniyang ina. Ngayon ay hindi nalang kaseryosohan ang pinapakita nito kung 'di labis naring pag-aalala. Naramdaman ni Trish ang pag-iinit ng sulok ng mga mata sa nakikitang pag-aalala sa kaniyang ina at reaksiyon ng ama na kanina pa tahimik.
"Is it true, anak?" nag-aalalang pangungumpirma ng kaniyang ina. All she can see now on her mother's face was worry lalo sa nakikita rin nitong reaksiyon sa kaniya na kaunti nalang ay maiiyak na sa harap ng hapag at ng parents niya.
Napalunok si Trish at muling sinulyapan ang amang seryosong naghihintay ng isasagot niya. Unti-unti siyang tumango kasunod ang kumawalang hikbi. "I-I'm sorry Mom... Daddy..." halos nagmamakaawa siyang tumingin sa kaniyang ama. Natakot siya sa kanina pang katahimkan nito.
Ilang sandaling nabalot pa sila ng katahimikan. Walang may nagsalita at tanging hikbi lang niya ang pumuno sa hapag. She's already crying. Naghalo na ang kaba, takot at pag-aalala sa kaniya.
After awhile she heard her mother's chair moved. Siguro nang makabawi na ito sa pagkabigla rin. Nag-angat si Trish ng tingin at nakitang tumayo ito para lapitan siya at. Her mother comforted her.
"I'm sorry, Mom... I'm sorry..." hingi ni Trish ng tawad sa ina at tumingin din siya sa Daddy niya. Her mother was telling her and assuring that it will be all right.
"Sino..." sa wakas ay nagsalita na ang kaniyang ama.
Nag-angat ng tingin si Trish sa ama na seryoso parin at nahihimigan niya ang panganib. Her parents were always good to her. Ngunit pakiramdam ni Trish sa mga sandaling iyon ay nasagad na niya ang pasensiya ng ama.
Alam ni Trish ang ibig-sabihin ng Daddy niya. Tinatanong nito kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya.
"Miguel Irizari..." halos wala sa sariling bigkas niya sa buong pangalan ng lalaki, ayon kay Camille, kung tama ang pagkakaalala niya. Dahil sa totoo lang ay hindi na rin niya masiyadong tinandaan ang pangalan ng lalaki. Hindi naman kasi niya ito kilala. May nangyari lang sa kanila. Paano kung may girlfriend naman pala ito or worst married na!
Hindi rin siya masiyadong nakikinig sa mga research ni Camille tungkol sa lalaki. Mas iniisip niya pa kasi no'n ang ipapaliwanag sa parents niya.
Nagkatinginan si Trish at ang ama.
Isang araw nalang ay nagmamadaling inakyat ni Trish ang mataas na palapag ng matayog na company building ng isa sa pinakamalalaking kompanya sa bansa. Nalaman niya lang sa kaniyang ina na sumugod rito ang kaniyang ama. Nasa gitna siya noon ng photoshoot para sa isang mamahaling brand na ini-endorse niya. Walang pagdadalawang-isip niyang iniwan ang kaniyang photoshoot at napasugod na rin dito para sundan ang ama. Baka kung ano pa ang magawa nito. At kasalanan niya iyon.
"Excuse me, Ma'am..."
Hindi na niya pinansin ang sekretarya sigurong haharangin pa sana siya sa pagpasok sa isang opisina. It was the Office of the CEO. Diretso niya lang tinungo ang pinto nito at pinihit pabukas. Wala nang nakapigil sa kaniya sa tuloy tuloy lang na pag-akyat niya rito. Wala pa siyang appointment. But she could only care less. Nandito ang ama niya! Baka patawagan na siya ng security pero bago pa man iyon kailangan niyang makita ang Dad niya at kung ano na ba ang ginagawa nito.
Bumungad kay Trish ang pamilyar na lalaki, who's now face to face with her father. Napalunok siya sa naabutan.
"Sir-" narinig niya ang boses ng babaeng sekretarya mula sa kaniyang likuran na sinundan siya.
"It's okay, Joanne. You may leave us." anang baritonong boses ng lalaki.
At hindi niya alam kung bakit ngunit bigla nalang nanumbalik sa kaniya ang mga groans and moans of pleasure ng boses na iyon nang gabing 'yon. She immediately shook her head. She can feel herself having goosebumps. What the hell? Bulong ng kaniyang isip. Naiisip pa talaga niya ang gano'ng bagay ngayon?! Sa gitna ng nangyayari!
Binalingan niya ang pinto sa kaniyang likuran kung saan lumabas ang sekretarya. Pagkatapos ay muling bumaling sa dalawang lalaki. Unang nagtagpo ang mga mata nila ni Miguel Irizari. Tapos ang kaniyang ama na mukhang may hindi magandang magagawa. Trish gulped.