Chapter Three

2447 Words
Tumikhim si Trish at naunang nag-iwas ng tingin. Binaling niya ang tingin sa kaniyang Daddy na naroon at seryoso parin. His father actually looks dangerous right now. Para bang may deal ito na kung hindi mo sasang-ayunan ay lagot ka. Bahagyang nangunot ang noo niya sa ama. "Daddy," she called. Ngunit bumaling lang ito sa lalaki sa kanilang harapan. Lumapit siya sa kinatatayuan ng ama. "Dad," tawag muli ni Trish sa ama nang makalapit sa tabi nito. Ngunit halos hindi siya nito pansinin. Nanatili lang ang atensiyon nito kay Miguel Irizari na halatang hindi rin napaghandaan ng lalaki ang pagdating nila ng kaniyang ama ngayon dito sa opisina nito. Trish bit her lower lip. Napasulyap din muli ang lalaki sa kaniya. "So, are you gonna marry my daughter?" halos hindi iyon tanong ng kaniyang ama kay Miguel Irizari. Nanlaki ang mga mata ni Trish na tumingin sa ama. "Dad!" medyo tumaas ang boses niya sa pagkabigla sa narinig na sinabi nito. "Sir-" si Miguel Irizari. Bumalik ang tingin ni Trish sa lalaki. "Yes or no, Mr. Irizari." mapanginib na putol naman ng Daddy niya sa pagsubok pa sana ng lalaki. Tila pa naiinip ito. "Daddy-" sinubukan din niyang sawayin ang ama ngunit parang wala lang din silbi iyon at mukhang hindi naman nakikinig sa kaniya ang Daddy niya. Hindi agad nakasagot ang lalaki kaya ganoon nalang ang gulat at pagkabog ng malakas sa dibdib ni Trish nang maglabas ng baril ang ama at tinutok ito kay Miguel Irizari. Her eyes widened. "Oh my gosh, Daddy!" hindi niya malaman ang gagawin. Kung tatawag ba ng mga taong aawat mula sa labas o aagawin ang baril na hawak ng ama! Bakit may dala itong baril?! Sobrang nagulantang siya sa ginagawa ng ama! Agad nagtaas ng mga kamay si Miguel Irizari na tila sumusuko sa mga pulis. "Sir, please calm down-" "Calm down?! You impregnate my daughter!" her father's voice boomed around the corners of the room. Suminghap si Trish sa nangyayari. Inayos pa ng ama ang pagkakatutok ng baril nito sa lalaki. She saw Miguel Irizari gulped at kita niya rin ang pagkakaalarma nito. Pati siya ay napapalunok din sa inaakto ng ama. What happened to her father? Sa pagkakatanda niya never pa naman itong naging bayolente... Kasalanan talaga niya! Bumaling sa kaniya ang lalaki habang nakataas parin ang mga kamay nito. Nanghihingi ng tulong. Napalunok muna siyang muli bago bumaling sa ama. "D-Dad," bahagya siyang nautal sa pagtawag sa ama. "Daddy, please calm down. Ano po ba 'y-yang ginagawa n'yo. Pag-usapan lang po natin 'to..." aniya. Hindi pa sigurado kung tama ba ang pinagsasabi niya. Gulantang pa rin siya. After a while her father sighed. Lumamlam ang mga mata nitong tumingin sa kaniya. Unti-unti nitong binaba ang hawak na baril. Doon lang din niya nakita ang tahimik na pagbubuntong-hininga ng lalaki sa kanilang harapan out of relief. Ngunit bumalik din ang pagkakaalarma nito nang muling balingan ng kaniyang ama. "I am sorry, Mr. Irizari." buntong-hininga ng ama ni Trish. "I just got desperate. Hindi ko matatanggap kapag hindi napanagutan ang anak ko. She's my only daughter." her father said. Nag-init ang sulok ng mga mata ni Trish habang nakatingin sa ama. Her father is a good man at alam niyang nadala lamang ito ng emosiyon... She wanted to cry and just hug her father. Halos nagpapakababa ito ngayon nang dahil lang sa kaniya. Because of her stupidity! "I understand, Mr. Tuazon... I'm sorry-" ani Miguel Irizari na naputol din. At bago pa man mayakap ni Trish ang kaniyang ama ay eksaherado nang bumukas ang pinto ng opisina kaya nabaling ang tingin nilang tatlo sa pumasok. Isang sopistikadang ginang ang dumating. "Mom?" si Miguel Irizari ang unang nagsalita sa kanila. Ngumiti naman ang ginang at lumapit kay Miguel Irizari. "Hi, anak. Dinalhan lang sana kita ng lunch," humalik ito sa pisngi ni Miguel pagkatapos ay bumaling sa kanila ng kaniyang ama. "May nasabi sa akin si Joanne sa labas..." tumuon ang tingin nito kay Miguel. "Is it true?" tanong nito sa anak. Nakita ni Trish ang pag-awang ng labi ni Miguel Irizari. Ilang sandaling nagkatinginan ito at ang magandang ginang. Nagbuntong-hininga ito pagkatapos. "Mom-" "Oh my, Miguel Andrew!" agad nang nag-conclude ang ginang. Nanlalaki pa ang mga mata nitong humarap sa kaniya, already ignoring her son. Hindi pa inasahan ni Trish ang agaran nitong pag-abot at paghawak sa kamay niya. "How are you, hija? I'm Miguel's mother!" Pagkatapos ay agad pa siya nitong niyakap. While Trish stayed still. Hindi alam kung ano dapat ang magiging reaksiyon. Nang pakawalan siya ng ginang ay kitang mukhang natutuwa ito at bumaling naman sa kaniyang ama. "Uh... This is my Dad, po..." Trish tried to introduce her Dad. Isang malapad na ngiti ang ibinigay ng ginang sa kaniyang ama at agad na naglahad ng kamay. Pormal naman na nagpakilala sa isa't isa ang kanilang mga magulang. Habang sila ni Miguel ay parehong natahimik. "You know, I'll call my husband. You should call your wife, too!" excited na ideya ng Mommy ni Miguel Irizari. "Mom!" Miguel tried to stop his mother, ngunit kunot-noo lang itong bumaling sa kaniya at binalik din muli ang atensiyon sa kausap na daddy ni Trish. And Trish was just standing there. Watching everything in awe. Masiyadong mabilis ang mga pangyayari para sa kaniya. Patuloy na nag-usap ang kanilang ina at ama. Totally ignoring her and Miguel. Parang hindi na nga sila nakikita ng kanilang mga magulang. Ang mga ito nalang ang nag-uusap. At sa wakas nang balingan sila ng mga ito, "So, maiwan na muna natin ang mga anak natin." anang mommy ni Miguel na nakangiti sa kanila. "Miguel, alagaan mo na muna ang mag-ina mo. Kami nalang muna ng Dad mo ang mag-uusap kasama ang parents ni Trish." ngiti ng ina ni Miguel. It all happened fast. Trish's father and Miguel's mother left the office. Leaving the two of them alone. Suminghap si Trish at nagbuntong-hininga naman si Miguel. Pagkatapos ay nagkatinginan silang dalawa. Trish can feel the awkwardness. At ganoon nalang ang kahihiyang naramdaman niya nang tumunog ang kaniyang tiyan na narinig sa tahimik na opisina pagkatapos umalis ang parents nila. Napasulyap siya sa wallclock na naroon at halos lunch hours na pala. Wala rin siyang maayos na breakfast kanina dahil wala talaga siyang ganang kumain. Pero kapag may gana naman siya ay kahit ano parang gusto na niyang kainin. Really weird for someone like her na hindi naman talaga palakain. At naiintindihan na niya kung bakit ganoon. She saw how Miguel's lips lifted into a small smile. Naramdaman naman ni Trish ang pag-iinit ng mga pisngi. Ang guwapo, ha! Sigaw ng kaniyang isip. Pero nakahihiya. "I think we should go out and have some lunch?" inaya siya ni Miguel. Unti-unti namang tumango si Trish sa lalaki at agad na may naisip na gustong kainin. "I want pasta and pizza!" agad din siyang nahiya sa ginawang pag-r-request. Pero bigla niya talagang naisip na iyon ang gustong kainin at natakam na siya. Nakangiti lang naman siyang sinang-ayunan ni Miguel at giniya na palabas ng opisina nito. Ramdam ni Trish na pinagtitinginan sila ng ilang empleyadong nadadaanan nila. Parang hindi naman iyon napupuna ni Miguel na katabi niyang naglalakad sa building nito. Bumaba sila sa parking at doon naghihintay ang sasakyan ng lalaki. Napuna ni Trish na bagay ang kotse nito sa pagiging mayamang CEO ng lalaki. Sasabihin niya pa sana sa lalaking may dala naman siyang kotse ngunit hindi na niya ito nakita sa parking space na pinag-iwanan kanina. Siguro ay pinakuha ng kaniyang ama? Bakit naman? Bahagya nalang niyang naipilig ang ulo at pumasok na sa loob ng sasakyan matapos siyang pagbuksan ng pinto ng Miguel. Sunudsunod ang pagsubo ni Trish sa pagkain. Almost forgetting about etiquette and table manner. She felt like she'd been hungry all her life at ngayon lang uli nakakain. Unti-unti lang siyang kumalma at nagdahan dahan nang masulyapan si Miguel sa kaniyang harapan na nakatingin lang sa kaniya. Mukhang tapos na rin itong kumain habang siya ay panay pa rin ang kain. Nakaramdam siya ng kahihiyan. Bahagya siyang tumikhim at bahagya rin nagpunas ng bibig gamit ang table napkin. "Uh, tapos ka na?" she asked him. Tipid itong umiling at bahagya siyang nginitian. "It's okay. Finish you food." anito na bahagya pang nginuso ang plato niya. Trish can feel her cheeks heated. Mukha na siguro siyang baboy kumain na nawalan na ng gana ang lalaki. Pasimple niyang sinulyapan ang plato nito at wala na naman na iyong laman. She secretly sighed and gave the man a smile, too. Tapos ay umiling siya. "I'm full." she told him. Tumango si Miguel at naghanda na rin sila sa pag-alis sa restaurant. Palihim na napangiti si Trish nang alalayan pa siya ni Miguel sa pagtayo at paglalakad palabas. She find his gesture nice. "Migs!" On their way out ay isang matangkad with an hourglass body na babae ang nakasalubong nila. Pakiramdam ni Trish ay bigla siyang na-out of place nang kumawit nalang ang mga braso ng babae sa leeg ng lalaking kasama. Napaatras siya at awtomatikong napaangat ang kilay niya sa nangyari. Pero natigilan din siya. Is this Miguel's girlfriend? Oh my god. "I missed you! Hindi mo na ako tinawagan." the beautiful woman pouted. In fairness, may taste sa babae si Miguel Irizari. She thought. Lalo pa siyang umatras. Sumulyap sa kaniya si Miguel. "Hillary, I'm actually with someone." ani Miguel na kumawala sa babae at nilapitan siya. Tiningnan na rin siya ng babae. Sumama ang mukha nito. "Let's go." ani Miguel at pinagpatuloy ang pagiya sa kaniya palabas ng restaurant. Wala na ring nagawa iyong Hillary. Okay, maybe that was not Miguel's girlfriend. Trish thought. Fling? "Ihahatid na kita sa inyo." Miguel offered politely. Tumango na siya at sumang-ayon. She suddenly felt sleepy. Tuluyang na niyang nakalimutan ang mga kailangan pang gawin sa araw na iyon. She think she's already too tired for anything. Ang gusto niya nalang gawin ay humilata sa malambot niyang kama at matulog. She's not also a lazy person kaya hindi niya rin talaga naiintindihan ang mga changes sa sarili. Pero unti-unti na rin niya iyong naiintindihan. All these changes because she's pregnant... "You're staying in a condo?" Miguel asked matapos niyang sabihin sa lalaki ang address niya. Saglit itong sumulyap sa kaniya mula sa pagmamaneho. Inaantok naman siyang tumango sa lalaki. Ang kaniyang likod ay kumportableng nakapahinga sa backrest ng shotgun seat. Nagtaka pa siya nang unti-unting bumagal ang takbo ng sasakyan hanggang sa tuluyan itong tinabi ni Miguel. Natameme nalang si Trish nang magkalas muna ng seatbelt nito ang lalaki para mas malapitan siya at maibaba ang sandalan ng inuupuan niya. Nanatili naman siyang walang imik sa ginawa nito. Naamoy pa niya ang bango ng lalaki habang bahagya itong yumuyuko sa kaniya para maayos siya sa kaniyang upuan. She can only bit her bottom lip while wtaching Miguel doing it. "There." anang lalaki pagkatapos. Bumalik na ito sa pagkakaupo nang maayos sa driver's seat at muling nagsuot ng seatbelts. Naramdaman ni Trish na parang doon lang din siya nakabalik sa regular na paghinga. She almost held her breath for so long. At mukhang dahil iyon sa sobrang lapit nila ng lalaki kanina lang. "Since when?" pagtutuloy ni Miguel sa pagtatanong habang muli na itong nagmamaneho. "Huh?" Sumulyap sa kaniya si Miguel. "Living alone?" "Uh," tumango si Trish. "Since college... Basta noong nagsisimula na ako sa modeling." Tumingin si Trish sa lalaki at nakita ang pagtango nito sa sagot niya. They didn't really talked that much inside his car, at unti-unti na rin nakatulog si Trish. "Patricia..." Nagising si Trish sa mahinang paggising sa kaniya ni Miguel. Nakatulog na nga siya sa sasakyan nito. "Sorry, nakatulog ako. Thanks." "It's okay." he said. He even offered na iakyat siya sa kaniyang unit but she refused. She smiled at him a bit. "Thank you... Miguel..." aniya, hindi alam kung paano ba dapat tawagin ang lalaki sa pangalan nito... At kung ano ang sasabihin niya... She saw him smiled and she think her heart just skipped a beat. It was another weird thing that day. But Miguel Irizari really smiles handsomely. Parang nakakahawa rin ang ngiti nito para kay Trish na muli rin siyang napangiti. "Let's talk some other time. You look tired. You should rest." bilin sa kaniya ni Miguel bago siya tuluyang makababa sa sasakyan ng lalaki. She thanked him again at nag-sorry rin sa inakto ng ama niya kanina sa ospina ng lalaki. Miguel assured her that it was all right now. Pagkatapos ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Halos ibagsak ni Trish ang likod sa kama at mariing pinikit ang mga mata. Things happens so fast nowadays. Pakiramdam niya ay parang nagmamarathon ang oras. Ang bilis ng paglipas. Siguro ay dahil malapit na ang katapusan ng mundo? Marahan niyang binatukan ang sarili. Nakakatakot naman ang iniisip niya. She let out a sigh. Parang kailan lang noong hinahabol habol pa niya si Engineer Gregory Singson. Ang minsang isa sa mga namahala sa construction ng pinapatayo pa lang nila noong bagong company building ng kanilang family business. Nakilala niya ang lalaki dahil na rin minsang pinakilala ito sa kaniya noon ng Daddy niya. Trish thought it was love at first sight. Sobra talaga siyang na-attract sa kaguwapuhan at konting pagka-snob ng Engineer. Kaya nga mula nang araw na 'yon ay panay na halos ang dalaw niya sa site. Nakipag-break na rin siya agad noon kay Louie. Alam din naman nilang magkaibigan na for show lang 'yong relasyon kuno nila para pagselosin ang ex-girlfriend ni Louie. Napa-irap naman siya nang maalalang parang hindi rin naman effective iyon dahil mukhang talagang naka-moved on na si Aya. Naisip nalang niyang kawawa naman ang kaibigan niyang si Louie. Parang kailan lang noong pinlano niya ang gabing 'yon... And just like that. Things did not happen accordingly. And now she's pregnant. At kanina lang ay nakasama niya 'yong lalaking nakaano niya nang gabing 'yon instead of Greg Singson. Ang lalaking 'yon na Daddy ng baby niya... Baby niya... Hindi parin talaga halos mag-sink in kay Trish na buntis na nga siya. But she's really pregnant. At the end she sighed and closed her eyes. Hanggang sa tuluyan siyang nakatulog nang hapong 'yon. Mamaya o bukas nalang niya iisipin ang mga susunod na gagawin. Bahala nalang si tadhana. Tutal ay ito naman ang nagdala sa kaniya sa sitwasyon niya ngayon. Masiyado kasi itong mapaglaro. At pakiramdam ni Trish ay siya ang paborito nitong paglaruan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD