Bumalik kami ng private resort ni Devin dahil sa takot ko na baka totoo nga iyong multo na sinasabi ni Vulcan na naroon sa isla na pag -aari ni Devin. Nagtataka man ang mga crew na kasama namin at si Mang Buds, wala naman silang nagawa kundi sumunod sa amin ng asawa ko nang sabihin niya na roon na lang kami matutulog sa hotel. Hindi sila nag-usisa ngunit kita naman sa mga mukha nila na tila nais nilang magtanong. Habang nasa yate kami kanina patawid sa kabilang panig ay tila may mabigat na awra akong nararamdaman sa paligid na para bang sumama sa amin ang multo na tinutukoy ni Vulcan na naroon sa isla at masama ang tingin sa asawa ni Mang Buds. Kinilabutan ako lalo na nang maramdaman kong tila ang lamig sa loob ng cabin namin kahit hindi naman nakasindi ang aircon. Kaya naman ang ginawa