"Niloko ako ng asawa ko. Pati ba naman ikaw, Kuya Vulcan ay tatraydurin din ako?" Sumbat ni Zandro sa akin habang kita ko sa mukha niya ang matinding kabiguan. Bagsak na bagsak ang kanyang mga balikat at panay ang agos ng kanyang mga luha. Napatda ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi ako nakahuma at bigla akong nakadama ng matinding konsensiya. Nakakaawa naman si Zandro. Gusto ko siyang lapitan at aluin ngunit hindi ko magawa dahil nanghihina ako. Nakokonsensiya ako sa sinabi niya ngunit wala akong magawa para ibsan ang bigat na kanyang nadarama. "Paano mo nagawa ito sa akin, Kuya? Pinagkatiwalaan kita sa lahat! Bakit naman ganito? Bakit ang anak ko pa?" "Because I love her, Zandro." sabi ko. "Huwag mong hilingin sa akin na ibalik ko siya sa iyo at kalimutan na lang ang pagmamahal