Hindi madali para kay Zandro na tanggapin ang relasyon namin ni Malzia, alam ko. Naiintindihan namin siya ni Malzia kaya hindi na namin sinubukan na ipaintindi sa kanya ang lahat sa mga sumunod na araw. Pinagpipilitan niya ng gabing nag-usap kami na anak niya si Malzia at mali ang relasyon mayroon kami ng anak niya. Kahit harapan pang sinabi ng kanyang anak na mahal niya ako at kaya niyang tanggapin ang panlilibak sa amin ng mga tao makasama lang niya ako. Wala kaming nagawa kundi ang hayaan siya sa paniniwala niya. Iintindihin na lang namin siya ni Malzia dahil alam ko na hindi madali para sa kanya na tanggapin ang lahat. Masamang-masama ang loob niya sa mga nalaman niya. Lalo na ang pananakit ni Mahlia sa kanya na gusto ko na lamang sanang ilihim para hindi siya masyadong masaktan. Per