Dahil sa paggising saglit ni Malzia nang araw na iyo, nagkaroon ako ng pag-asa na sooner or later she would wake up and we can continue our love story. Pag-iibigan na hindi pa masyadong pinatagal ng panahon ngunit mukhang babawiin na sa akin. Ramdam ko lang na parang ganito ang mangyayari dahil mukhang may mali kapag gumising na siya. Huwag naman sana. Masakit na sa akin na makita siyang walang malay at pilit na lumalaban para gumising siya. Ngunit mas masakit kapag nakalimutan niya ang tungkol sa aming pagmamahalan. I am hoping that she will wake up normally. Na hindi siya nagkaroon ng anumang amnesia dahil sa kanyang natamong aksidente. Sana huwag niyang kalimutan ang aming pag-iibigan kapag gumising na siya nang tuluyan. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag marami sa alaala niya ay nak