Earlier… (Ito iyong nangyari bago iyong POV ni V kanina sa Chapter 83) "Ahhhhhhhhh!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko bago ko iminulat ang aking mga mata mula sa isang napakasamang panaginip. Kasabay ng sigaw na iyon ang pagpalahaw ko ng malakas na iyak. Sisinghap-singhap na hinabol ko ang aking paghinga habang pilit kong inaaninag ang lugar na aking kinaroroonan. Ilang beses pa akong pumikit at dumilat bago naging malinaw sa akin ang lugar na aking kinaroroonan. Hindi ko masyadong maalala kung anong panaginip iyong napanaginipan ko. Basta ang alam ko ay may taong humahabol sa akin at gusto akong patayin! Damang-dama ko iyong takot na narito sa aking dibdib. Parang tinatambol ang puso ko sa kaba lalo na at parang konting-konti na lang ay aabutan na ako ng taong gustong pumatay