"Let's go home!" banas kong aya sa mga bodyguard ko pagkatapos kong talikuran ang guard na hindi ako pinagbigyan na makapasok sa building ng mga Sy. Kahit ano'ng gawin kong pakiusap sa guard ay napakatigas nito. Naiintindihan ko kung bakit, mawawalan siya ng trabaho oras na binali niya ang patakaran ng mga Sy. Kaya naman wala akong nagawa kundi tumalikod at puntahan ang sasakyan ko habang nakasunod sa akin ang lima kong bodyguard. Umuwi ako na bigo pagkatapos kong subukan muli na kumuha ng appointment sa mga Sy. Mukhang hindi nila ako haharapin kahit ano'ng sabihin ko. Takot talaga silang magtiwala sa tao kaya wala akong nagawa kundi huwag ng ituloy ang plano ko na mag-imbestiga tungkol sa pagkatao ni Malzia. Bahala na kung nagsasabi ng totoo o hindi si Mahlia. Hindi naman siguro siya