Wala si Vulcan sa tabi ko nang magising ako. Palagi ko siyang hindi naaabutan paggising ko kahit na anong pilit kong agahan ang aking gising. Gusto kong ako mismo ang maghanda ng mga gagamitin niya pagpasok niya sa trabaho ngunit mukhang hindi ko maaasahan ang katawan ko dahil ang tamad kong bumangon sa umaga. Isa pa, masama na naman ang pakiramdam ko. Masakit ang ulo ko at nananakit ang likod ko. Hindi naman ako napuyat kagabi dahil hindi naman kami nag-love making. Pagod sa trabaho si Vulcan at kapag pagod siya ay asahan na matutulog lang kami at walang loving-loving. Kaya naman nagtataka ako kung bakit laging ganito ang tema ng katawan ko. "Ouch!" daing ko sabay sapo sa ulo kong nananakit. Sinubukan ko kasing bumangon para makapaghilamos na at makababa na ako para kumain. Ngunit bumal