On the way na ako patungo sa presinto ngayon. Tinawagan ako ng Tito ni Sky dahil nahuli na raw si Mahlia. Good news ito pagkatapos ng ilang linggo na nakatakas siya. Akala ko ay wala na talagang pag-asa na mahuli siya. Ngunit dahil sa ilang milyon na pabuya ay napabilis ang paghahanap sa kaniya. Nahuli si Mahlia sa bandang parte ng Balaoan, La Union. Sa isang bahay kung saan siya nagtago. Binuko siya ng landlady niya dahil sa malaking pabuya na nakapatong sa ulo niya. Hindi man lang siya umisip ng ibang lugar para makapagtago. Siguro dahil salat siya sa pera para makalayo. Kasama ko sana si Malzia na pupunta ng presinto ngayon ngunit sumama ang pakiramdam niya kaya hindi ko na siya isinama. Umaasa kasi ako na baka sakaling bumalik ang lahat ng alaala niya kapag nakita niya si Mahlia. Kay