Isang linggo na ang nakakaraan nang makatakas si Mahlia sa bilangguan. Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin siya ng mga pulis at hindi tumitigil ang mga ito hanggang hindi nila nahahanap ang babae. Hindi ko rin sila tinitigilan sa kaka-update ko araw-araw kung nahuli na ba nila ang gagang babaeng iyon o hindi kaya hindi rin sila tumitigil sa paghahanap. Subukan nilang tumigil at baka hindi ako makapagpigil ay makapagsalita ako ng masama laban sa kanila. Kasalanan nila kung bakit nakatakas sa mga kamay nila si Mahlia kaya dapat lang na sila rin ang makahuli sa kaniya sa ano mang paraan. Delikado siyang tao, baka manakit siya ng sibilyan makatakas lang siya. Lalo na at pinagtangkaan niyang patayin ang sarili niyang anak. Hindi siya mangingiming pumatay o manakit ng ibang tao dahil nagawa