Chapter 94. Bago ko pinapunta rito si Maze at Bettina kasama ang aming anak ni Malzia. Una ko munang pinapunta si Justin kasama ang doktor ni Malzia para suriin ang kaniyang kalagayan. Sumasakit ang ulo niya at panay ang daing niya na masakit ito. Ayaw ko naman dumating sa point na mawalan siya ng malay at makalimutan niya ang pag-uusap namin. Gusto ko bawat memories na ginagawa namin ngayon ay maaalala niya. Sinuri muna ng doktor niya ang kalagayan niya at inaral saglit ang kaniyang kalagayan bago nila hinayaan na papuntahin ko na sina Maze at Bettina rito bitbit ang anak namin. Ayon sa doktor ni Malzia, it's normal for her to forget her new memories. Maaalala rin naman daw niya ito after a day or a week. Patunay lang daw na nag-uumpisa ng bumalik ang mga nawawala niyang alaala. Ayon