Chapter 92. Hindi kita mahal!

2212 Words

Chapter 92. Nagising ako na medyo masakit ang aking sentido. Wala akong maalala paggising ko kung bakit ako nakatulog ng nakalaylay ang kalahati ng katawan ko sa kama. Nagtataka man at pilit kong iniisip kung ano ang bumalik sa alaala ko bago ako mawalan ng malay, blanko naman ang utak ko. Naupo ako sa kama habang kinakapa ko pa rin ang utak ko. Hindi ko naman maalala kung ano iyon dahil nahihirapan talaga akong alalahanin. Mukhang nabura sa isip ko ang dapat kong alalahanin. Dalawang beses na itong nangyayari sa akin at ewan ko kung ano na naman ang nag-trigger sa sakit ng ulo ko para makalimutan ko ito. Bumabalik ang mga alaala ko ngunit iyong mga present na tingin ko may kinalaman din sa buhay ko ay bigla ko na lang nakakalimutan. Gusto kong sikreto na magpasangguni kay Dr. Justin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD