Wala akong nagawa nang mahabol ako ni Vulcan sa paglangoy. Nagawa niyang patunayan sa akin na hindi pa siya matanda at lalong hindi pa siya mahina. Saksi ang swimming pool sa walang sawang pag-angkin niya sa akin. Saksi ang pool sa mga ungol at daing na aking nasambit habang walang sawa niya akong inaangkin. "I love you, baby. Sana makaalala ka na. Sana bumalik na tayo sa dati…" wika ni Vulcan nang matapos kami sa panghuling round na pinagsaluhan namin. Nakahiga kami sa sun lounger habang nakatingala sa langit at magkayakap ng mahigpit. "Malapit na, Vulcan. Huwag kang mainip, alam kong malapit na ang araw na iyon," sabi ko habang nakangiti at nakasiksik ang katawan ko sa katawan niya. Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Sana nga bumalik na sa dati ang lahat. Gusto ko ng maalala kung gaano