Chapter 90. Iyak pa rin nang iyak si Malzia nang humahangos na pumasok ako sa aming kwarto. Nakita ko si Perla sa may pinakasulok at iyak nang iyak. Habang ang asawa ko naman ay nakasiksik sa headboard ng kama at takot na takot na nakayakap sa kanyang sarili habang hawak ang cellphone kung saan ay magkausap pa rin kami. "Baby…I am here…" tawag ko sa atensyon niya na nakatitig pa rin sa mukha ko sa cellphone. Kaagad na nag-angat siya ng kaniyang paningin at tinakbo ang distansiya naming dalawa. Agad kong binuksan ang mga braso ko para sa isang mainit na yakap. Umiiyak na sumubsob siya sa aking dibdib habang ako naman ay agad siyang inalo para siya ay tumahan. "S-Senyor, patawarin niyo ako ni Senyorita. Ako ang dahilan kung bakit kayo parehong nahihirapan," umiiyak na sabi ni Perla na b