Pagala-gala ang tingin ko sa sala na kinaroroonan ko. I can't believe that my husband is freaking so damn rich! Napakayaman naman ni Vulcan…sobrang yaman na parang nakakahiya na tumapak sa bahay niya. Bawat makita kong bagay sa paligid ay tila mahal ang value. Parang bahay ng hari ang bahay na kinaroroonan namin. Lahat ng muwebles ay parang galing sa lumang era at talagang hinanap para bilhin. Tingin ko ay hindi lang libo ang halaga ng mga naglalakihang jars na nakahilera sa isang banda. Mga paintings na nakasabit sa dingding. Ang grandfather's clock na iilan na lang ang bahay na mayroon at ang mga naggagandahang chandelier na parang mamahaling diamonds na nakasabit sa kisame. Malamang ay aabot ng milyones ang isa sa mga ito lalo na at sobrang antique na at hindi mo basta-basta mahahanap s