Nakatingin ako sa palasingsingan ko habang lumulutang ang isip ko sa kung saan. Haplos ko at hindi ako makapaniwala hanggang ngayon na may asawa na ako. Tapos kaibigan pa ito ng doktor na nag-aalaga sa akin dito sa ospital na 'to na kung saan ay gumising ako mula sa matagal na pagkakatulog. It's real, alam kong hindi gumagawa ng kwento si Vulcan Doukas nang sabihin niyang mag-asawa kami noong araw na unang magkita kami. The way he looked at me while he was crying and hurting so bad. I know he loves me more than anything else in this world. Na kahit hindi ko siya maalala, alam ko kung gaano ako kaimportante sa buhay niya. Pinakita niya sa akin ang ilang ebidensya na nagpapatunay na asawa niya ako. May dinala siyang marriage certificate noong nakaraang araw at mga litrato na magkasama kami