Chapter 113. Kasunduan

1706 Words

Nagkukwentuhan kami ni Devin habang naglalakad kami patungo sa garahe. Nauna na si Malzia roon kasama ang asawa ni Devin na si Farrah na hindi maawat sa pagtsitsismisan nila. Hindi na sila maawat sa pagkukwentuhan simula pa nang dumating kami noong araw ng kaarawan ni Farrah. Si Farrah ang pinakamalapit sa kaniya sa lahat ng asawa ng mga kaibigan ko. Siguro dahil siya ang una niyang nakilala noong ipakilala ko na siya sa mga kaibigan ko. Mabilis din kasing kagaanan ng loob si Farrah lalo na, masayahin at mabait ito. Madaling lapitan dahil hindi suplada. “Oh, paano? See you when I see you, pare.” ani ko kay Devin nang marating naming dalawa ang sasakyan ko na naghihintay sa garahe. Nakita ko na sarado na ang mga pinto nito. Malamang tapos na sa pag-uusap ang mga asawa namin. Kaming dalawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD