Mabilis ang bawat hakbang ko habang hindi ko alam kung saang banda ako tutungo sa sobrang katarantahan ko. Lutang ang isip ko habang hinahanap ko ang kwartong kinaroroonan ng aking asawa. Nanganak siya na wala ako sa kaniyang tabi . Nasa out-of-town meeting ako kasama sina Sky at Storm sa Davao na hindi ako pwedeng humindi. At nagkataon pa na ito ang araw ng panganganak niya kung kailan wala ako sa kaniyang tabi. Sa sobrang gustong-gusto kong umuwi ay nakiusap ako kay Erwin na sunduin ako sa Davao makauwi lang agad ng La Union at makita ang asawa kong nanganganak. Gladly, he agreed. Hayun nga at kakahatid lang niya sa akin kanina. Sa helipad, sa taas ng ospital nina Justin niya ako saktong ibinaba. Mabuti at si Hammer ang dala niya at hindi na niya kailangan maghanap ng pwedeng bababaa