"Okay, see you later—-" nabitin ako sa aking sinasabi sa kabilang telepono nang bigla kong matabig ang baso na nasa ibabaw ng working table ko dahilan para mahulog ito at mabasag sa sahig. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko na nagkalat ang bubog nito sa sahig kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko na hindi ko maintindihan. Saglit na natulala ako sa kawalan habang pinapakiramdaman ko ang mabilis na t***k ng aking puso. Panay ang 'hello' naman ni Sky sa akin sa kabilang linya kung narito pa ba ako at kausap niya. Hindi ako makapagsalita sa sobrang lakas ng tahip ng aking dibdib. Hindi ako makahinga lalo na nang maisip ko si Malzia. Hindi ko alam kung bakit siya ang unang pumasok sa isip ko. Naisip ko na baka nasa panganib siya kaya ganito na lang kalakas ang t***k ng aking puso. Naa