"I-I will…I will pray hard for him tonight, pare," sinisinok na sabi ko kay Justin pagkatapos kong lumayo sa kanya at pilit na pinakakalma ang aking sarili. Pinunasan ng likod ng palad ko ang mukha kong basang-basa sa luha at saka ako marahas na hinagod ang buhok kong nawala sa ayos. Medyo napangiwi pa nga ako ng bahagya nang maalala kong dito sa kamay kong ito tinurok ang dextrose. Ngunit balewala ang kirot na 'to, mas masakit ang narito sa puso ko. Wasak na wasak ang puso ko. Hindi ko matanggap ang sinapit ni Malzia at ang baby namin. Parang kailan lang napakasaya pa namin. Everything is perfect for us. Bakit bigla namang binawi agad ang kasiyahan nanadarama namin sa aming dibdib? "That's the least that you can do for her, pare. Hindi kasi makakatulong na pati ikaw ay nagpa-panic. Try