Itinago ko sa loob ng bag ko ang business card na binigay ng matanda nang makaalis na ito kasama ang mga tauhan niya. Tatandaan ko kung saan ko ito itinago at sana ay maalala ko na hugutin isang araw para malaman ko kung ano ang tinutukoy ng matanda. Wala man akong ideya kung ano iyon, I think hindi naman mag-aaksaya ng oras ang matandang lalaki para hanapin ako at makausap ako. Alam kong importante iyon at hindi na ako makapaghintay na matapos ang kasal at bumalik ng La Union para malaman ang sinasabi ng matanda. Kung konektado man sa akin ang sinasabi niya. Ano naman kaya ito at kailangan ako pa ang pumunta sa kanila para kumpirmahin ang isang bagay na ewan ko kung para saan. "Sino iyon, Senyorita?" usisa ni Manang Dolores nang makaalis na ang sasakyan ng matandang lalaki. Nagkibit-ba