"Ano'ng balita, pare? Nakita na ba ang babaeng iyon?" excited na tanong ko kay Sky nang sumungaw ako sa kwartong inookupa nilang mag-anak. Sabi niya sa tawag ay may imporrtante siyang sasabihin sa akin. Kaya naman dali-dali akong pumunta sa kwarto nilang mag-anak para personal na alamin kung ano ito. Sana naman good news. Hindi ako mapakali kakaisip kung kailan mahuhuli si Mahlia. Lalo na at lumabas na ang imbestigasyon sa aksidente ni Zandro na siya ang lumalabas na pangunahing suspect dahil sa mga kuha sa cctv na hindi maipagkakaila na siya ang nasa footage. Magagaling talaga ang mga tauhan ni Sky. Sana nga good news din itong ibabalita niya. Nadatnan ko siya na nagtitipa sa kanyang laptop habang kunot-noong nakatitig sa screen nito. Wala ang asawa niya at mga anak. Malamang nasa baba s