Hindi ako nakapasok sa school dahil sa naging sagutan namin ni Mama. Sa dami ng natanggap kong sampal at sabunot sa kanya, hindi ko alam kung saan banda ang una kong iindahin ang sakit. Masakit ang magkabilaan kong pisngi and I'm sure mangingitim ang pasa na gawa ng palad ni Mama rito. And my hair, pakiramdam ko ilang libo ng buhok ang nalagas dahil sa pagsabunot ni Mama sa akin. Nananakit ang anit ko at parang pakiramdam ko ay nabunot pati ang anit ko. Putok din ang aking labi, nalasahan ko pa ang dugo rito nang isang malakas na sampal sa kanan kong pisngi ang pinatikim ni Mama sa akin. Gigil na gigil siya habang sinasaktan niya ako kanina. Na parang sa mga oras na iyon ay hindi anak ang turing niya sa akin. Sabagay, hindi ko nga ramdam na mahalaga pa ako sa kanya. Hindi ko na ramdam iyo