"Thank you, baby ko. Na-miss mo ba ako?" namamaos ang boses na sabi ni Uncle habang mapungay na nakatunghay sa akin ang kanyang mga mata. Medyo nawala ako sa aking sarili dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Ngunit bigla akong nagising nang makita ko siyang ngumisi at pagkatapos ay nakita kong kinagat niya ang kanyang labi, habang tila gigil na gusto niya akong sunggaban at ihiga sa damuhan. Nakatago pa naman ang kinaroroonan namin at pwede niyang gawin ang kanyang gusto. Sinigurado ko na walang tao rito nang magpasya akong magtampisaw sa tubig kaya confident ako na naligo sa tubig na nagmumula sa fire hydrant. Nakaramdam kasi ako ng sobrang alinsangan habang nagbabasa ako ng libro sa may sun lounger. Sa swimming pool ko sana gustong magpalamig ng katawan ngunit tinatamad naman