Abala ako sa pagtitipa sa keyboard ng laptop ko nang makita ko sa sulok ng mga mata ko na palapit si Jake sa akin bitbit ang mga gamit ko. Mukhang nag-empake na talaga siya at excited ng umuwi bukas ng La Union. "Boss V, ilalagay ko na lang ba sa backpack mo itong mga charger ng cellphone mo at power bank? Hindi na kasi kasya roon sa maleta mo at baka masira pa," ani niya nang makalapit. Napaangat ako ng tingin mula sa aking ginagawa dahil sa tanong ni Jake. Natigil ako sa pagtipa at tiningnan ang mga bagay na hawak niya. "Pakilagay mo na lang diyan sa may pocket na nasa harapan para mabilis kong mahanap kapag na-drain ang battery ng cellphone ko," sagot ko. "Sige, Boss." ani niya at tumalima naman agad sa sinabi ko. Tinanguan ko lang si Jake sa sinabi niya at muli kong tinutok ang t