“Wow! Ang ganda naman nito Malzia!” bulalas ni Ate Farrah sa akin nang makita niya ang laman ng regalo ko sa kaniya nang buksan niya ito. Excited niyang dinampot sa lalagyan ang kwintas at hikaw at hindi makapaniwalang sinipat ito. "Diamonds?" tanong niya na naninigurado. Sinuot niya ang hikaw at tinitigan pagkatapos ang bato ng hawak niyanh kwintas. "Yup." "Oh my God, Malzia! Half million malamang ang presyo nito!" Tumawa lang ako at inilagay sa kaniyang leeg ang kwintas at hinila siya patayo sa kama pagkatapos para magtungo kami sa harapan ng tokador niya. Tiningnan namin sa salamin kung bagay sa kaniya ang regalo kong kwintas at hikaw. Bagay na bagay sa kaniya. "Nagustuhan mo ba, Ate?" "Yes...pero ang mahal nito. One carat diamond is equal to two thousand dollars or more," nalulu