Chapter 111. Palihim akong napapakagat-labi sa tuwing napapadako ang aking tingin sa gawi ni Vulcan na abala na sa pagsubo ng pagkain kasama ang kaniyang mga kaibigan. Hindi niya napapansin ang mga titig ko sa kaniya dahil palihim akong sumusulyap sa gawi niya kapag hindi siya nakatingin sa gawi ko. Hindi ko mapigil ang aking sarili lalo na at para akong natutuyuan ng lalamunan kapag napapatingin ako sa kaniyang katawan. Nakakaakit naman kasi ang mga muscles niya sa kaniyang katawan. Lalo na sa kaniyang eight pack abs at biceps na talaga namang nakakatakam hawakan dahil sa siksik na muscles. Alaga niya ang katawan niya sa gym at never siyang lumiban kahit gaano pa siya ka-busy. Hinubad niya kasi ang nabasa niyang pang-itaas nang umahon siya sa mula sa pagkakahulog niya sa pool. Kaya na