Masakit ang ulo ko na nagmulat ng aking mga mata. Mas lalo itong sumakit nang mauntog ito sa matigas na bagay. “Ouch!” Impit kong anas habang hawak ang ulo kong nauntog. Halos makakita ako ng umiikot na bituin sa tuktok ko dahil sa lakas ng pagkakauntog ko. Takang kinapa ko ang aking ulo. Pakiramdam ko ay tila may umaagos na dugo mula rito. Tiningnan ko ang palad ko at halos makahinga ako ng maluwag nang makita kong wala namang dugo. Ang sakit kasi! Putcha! Para akong nauntog sa kahoy ng isang narra. Umayos ako ng higa. Kumunot ang noo ko nang hindi ko maunat ang binti ko. Hindi ako makagalaw na parang nasa isa akong lugar na masikip at mahirap ang gumalaw. Teka…bakit ang sikip ng higaan? Tsaka bakit ang dilim? Takang kinapa ko ang hinihigaan ko. Malambot naman at mukhang nasa kama n