Sa mansion na nina Kuya Devin at Ate Farrah kami nagpasyang matulog lahat. Nagpasya kas ang magkakaibigan na mag-inuman at magkwentuhan hanggang madaling-araw. Kaming mga babae naman ay nagpasya ng pumasok sa mansion at nahiga na sa guest room. Pinagkasya namin ang aming mga sarili namin sa mga nakalatag na kutson para tuloy ang bonding namin habang nasa baba ang mga asawa namin at nag-b-bonding din. Ayaw kasi naming maghiwa-hiwalay ng kwarto kahit marami namang kwarto itong mansion nina Kuya Devin. Mas maganda na sama-sama kami para tuloy ang kwentuhan. Kasya naman kami dahil malawak naman ang guest room nila. Hindi kami naging sardinas dahil sakto lang naman kami sa mga kamang nakalatag. “Bahala na ang mga lalaki mamaya kung saan sila hihiga. Basta ang mahalaga tuloy ang chikahan natin,