Tiim-bagang ako habang nakikinig sa sinasabi ni Perla. Cheesecake pala ang dahilan kung bakit nahinto sila saglit bago umuwi ng bahay ko. Dahil sa punyetang cheesecake na iyon ay malalagay sa panganib ang buhay ng pinakamamahal kong asawa! Siya ang kasama ni Malzia na bumaba ng sasakyan para bumili raw ng cheesecake sa paborito naming bakeshop. Alam ko kung saan banda iyon dahil madalas kaming bumili noon ni Malzia sa bakeshop na iyon. Sa bandang Timog iyon, na nadadaanan namin kapag pauwi na kami sa villa. Nakakalungkot…kung hindi siguro siya nag-crave, hindi niya maiisip na huminto roon at bumili. Di sana'y hindi siya nakahiga ngayon sa kamang iyon. Wala sana siyang tubo sa bibig, maraming benda sa katawan, at sana nakikita ko ang kanyang mga ngiti at malalambing na mga mata kung tumi